Bryan Suringa
Quiz by , created more than 1 year ago

1 Education Quiz on Filipino Set A, created by Bryan Suringa on 12/28/2020.

10
1
0
Bryan Suringa
Created by Bryan Suringa over 3 years ago
Close

Filipino Set A

Question 1 of 20

1

Alin sa mga sumusunod ang may tamang pares ng element o bahagi ng pagsusulit na pagtatapat-tapatin.

Select one of the following:

  • Hanay A – Letra : Hanay B – Tambilang

  • Hanay A – Aytem : Hanay B – Opsyon

  • Hanay A-Opsyon : Hanay B - Distrakter

  • Hanay A-Maikli : Hanay B - Mahaba

Explanation

Question 2 of 20

1

Unawain at analisahin ang sumusunod na tanong mula sa kwentong “Ang Kalupi” Tukuyin ang layuning nakasaad sa naturang tanong ng guro.
“Kung ikaw si Aling Marta, huhusgahan mo rin ba ang iyong kapwa batay sa mga hinala na di mo naman aktwal na nakita?

Select one of the following:

  • Napahahalagahan ang kaangkupan, katiyakan at pagkamakatotohanan ng impormasyon nakalahad sa teksto.

  • Naibabahagi ang sariling paninindigan ayon sa nahangong kaisipan sa binasang teksto

  • Naihahambing ang kaisipang ipinapahayag sa teksto sa tulong ng pamantayang pansarili mula sa guro at sa ibang tao

  • Nahahango ang diwa ng kwento tungo sa pagbuo ng buod nito

Explanation

Question 3 of 20

1

Kung gagamitin ng isang talaan ng datos bilang lunsaran sa gagawing pagsusulit, anong tanong ang higit na mabisa para sa mas mataas na antas ng kasanayan pampag-iisip?
Talaan ng mga dahilan ng pagsisikap ng mga mag-aaral na makapag-aral
AYTEM BAHAGDAN
Makapag hanapbuhay 40
Sundin ang magulang 15%
Makapasa sa pagsusulit para sa pagkuha ng lisensya 5%
Makapagtrabaho sa ibang bansa 5%
Magkaroon ng magandang kinabukasan 15%
Magkaroon ng diploma 20%
KALAHATAN 100%
Tumugon: 149 na nasa ikatlong taon sa kanilang kurso

Select one of the following:

  • anong aytem ang may dalawampung bahagdan

  • Ilan ang bahagdan ng aytem tungkol sa makapaghanapbuhay

  • Anong mga aytem ang may pinakamababa at pinaka mataas na bahagdan at agwat sa pagitan ng mga ito

  • Ano ang ikalimang aytem

Explanation

Question 4 of 20

1

Kung bubuo ng isang aytem ng pagsusulit na interdisciplinary para sa Filipino at matematika, anong lunsarang talaan ang maaring gamitin na higit na makagaganyak at magiging kapaki-pakinabang para sa mga mag-aaral?
1. Pamasahe sa dyip sa iba’t ibang ruto
2. Pagbabadyet ng allowance at pamalengke
3. Istatistika ng populasyon sa buong mundo
4. Mga bayarin tulad ng kuryente, tubig at iba pa

Select one of the following:

  • Tambilang 1,2 at 3

  • Tambilang 1,2 at 4

  • Tambilang 2,3 at 4

  • Tambilang 1,2,3 at 4

Explanation

Question 5 of 20

1

Sa kasalukuyan ay masugid na isinusulong ang integratibong anyo at uri sa pagsusulit. Ibigay ang pagkakaiba ng tradisyonal at awtentikong pagsusulit.

Select one of the following:

  • Ang una ay sinauna samantala ang huli ay modern

  • Ang una ay nasusulat samantala ang huli ay di-nasusulat

  • Ang una ay gamitin samantala ang ikalawa ay madalang gamitin

  • Ang una ay sumusukat sa kasanayang naipapamalas samantala ang huli ay pagtataya sa kasanayang pampag-iisip at kaalamang natamo o natatandaan

Explanation

Question 6 of 20

1

Ang kagamitang pampagtuturo a nagtataglay ng mga gabay sa guro at kanyang mag-aaral at tumitiyak sa kagalingan pampagkatuto. Ang mga sumusunod na konsepto ay nagpapahayag ng katuturan ng kagamitang pampagtuturo maliban sa isa.

Select one of the following:

  • Nilalaman Na dapat matutunan

  • Teknik napaglalapat at pagsasanay

  • Kahusayan ng guro sa paglinang ng kasanayan

  • Paraan ng pagtuturo kaugnay ng teknik at pamamaraan

Explanation

Question 7 of 20

1

Ito ang anyo ng kagamitang pampagtuturo – pampagkatuto na buo at ganap sa kanyang sarili at naglalahad ng mga tiyak na akdang Gawain sa kaparaanang sistematiko at kontrolado.

Select one of the following:

  • Batayang Aklat

  • Sanggunian aklat

  • Modyul

  • Manwal

Explanation

Question 8 of 20

1

Sa pagtuturo ng aralin sa paglalarawan , pinlano ni Titser Jess na gamiting lunsaran ang mga ipinagmalaking tanawin sa Pilipinas. Anong kagamitang panturo ang pinakamisang maimumungkahi sa kanya?

Select one of the following:

  • Makukulay na larawan sa tulong ng overhead projector

  • Bagong edisyon ng magaing pampaglalakbay

  • Isinateyp na karanasan ng mga turistang nakatungo na sa mga ito

  • Vidyo ng dokumentaryong pampaglalakbay na ihanda ng kagawarang ng turismo

Explanation

Question 9 of 20

1

Kung gagamitin ang pelikula bilang kagamitang pantulong sa pagtuturo ng wika, alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga inilahad na panuntunan?

Select one of the following:

  • Paunang pinapanood ng guro ang pelikulang gagamitin upang ibayong maihanda ang mga gabay tanong hinggil sa pagtalakay ng mahahalagang tagpo

  • Pagpanood ng buo pelikula habang ang guro ay abala sa ibang gawaing pangklase

  • Patuloy na paggabay ng guro sa klase ng kanilang panonood at pagbibigay ng ilang paglilinaw sa ilang isyu o konseptong hango sa ilang bahagi ng kwento

  • Pagbibigay ng inaasahang panuntunan tungo sa wastong paglalahad ng Gawain

Explanation

Question 10 of 20

1

Naging laganap sa pagtuturo ng wika ang paggamit ng pinalatuntunang kagamitan bilang serye ng mga aralin at kaalaman na maingat na inayos sa lohikal na pagkabuo.
Ano ang katotohanan sa likod nito?
I. Ang pinalatuntunang kagamitan ay nakatutulong sa pagbibigay lunas sa suliranin sa kakulangan ng silid-
aralan at gurong magtuturo
II. Nakapagbibigay ito ng pagkakataong makaboto sa gawaing pangklase ang mag –aaral na lumiban noong
nakaraang talakayan
III. Isa itong panlunas na Gawain sa mga mag-aaral na may mabagal na antas ng pagkatuto
IV. Maituturing ito na isang estratehiya para sa mga mag-aaral na may mabilis na antas ng pagkatuto habang hinihintay ang karamihan sa iba pang gawain

Select one of the following:

  • I at II lamang

  • III at IV lamang

  • I,II at III lamang

  • I,II, III at IV

Explanation

Question 11 of 20

1

Maglugod na isinusulong sa ang awtentikong kagamitan sa pagtuturo ng wika sa mga paaralan. Alin sa mga sumusunod na tunguhing pangkasaysayan ang may angkop na awtentikong kagamitan?
KASANAYAN KAGAMITAN
I. Pagbibigay kahulugansa isang salita Thesaurus
II. Paglalarawan sa teknolohiya ATM at LRT Kard
III. Pagtatala at pag-aanalsiisa ng datos Resibo ng kuryente
IV. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari Rsipe

Select one of the following:

  • II at IV

  • I,II at IV

  • I,II at III

  • I,II,III at IV

Explanation

Question 12 of 20

1

Sa paggamit ng pinalatuntunang kagamitan, kadalasan ay binibigyan ng guro ng pabuya o pagbati ang mga mag-aaral sa bawat wastong tugon sa mas matibay na pundasyon ng pagkatuto. Ito ay halaw sa simulang __________ .

Select one of the following:

  • Aktibong pagtugon (Active Responding)

  • Pagpapatibay (Reinforcement)

  • Pagbibigay pahiwatig (Cueing/prompting)

  • Supil na gawi (Controlled behavior)

Explanation

Question 13 of 20

1

Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakabalangkas ng pangkat ng kagamitan panturo?

Select one of the following:

  • Ginagawa-balangkas berbal, simbolong biswal

  • Minamasid – pelikula, eksibit, excursion

  • Sinasagisag- binalangkas na karanasan tuwirang karanasan

  • Pinakilahukan- modelo, virtwal reality, rialya

Explanation

Question 14 of 20

1

Pag ugnayin ang istilong pampagkatuto at angkop na kagamitang pampagtuturo na matatagpuan sa loob ng talahanayan sa ibaba. Piliin ang may tamang pagkakaugnay.
ISTILO NG PAGKATUTO KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
1. Analitik A. Larong pangwika
2. Global B.Eksibit
3. Biswal C. Pakikipanayam
4. Kinestetik D. Ekskursyun

Select one of the following:

  • 1-A

  • 2-D

  • 4-C

  • 3-B

Explanation

Question 15 of 20

1

Ang banghay-aralin ang itinuturing na pinakapangunahing kagamitan ng guro bilang gabay sa pagtuturo tungo sa layuning pampagkatuto . Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kahalagahan nito?
1. Pagtataya sa pamamaraan ng guro s kanyang pagtuturo
2. Gabay ng pansamantalang kahalili ng guro sa panahong siya ay liban
3. Natitiyak ang pagkakasunod ng mga aralin at gawaing batay sa kaugnay na layunin
4. Natutugunan ang hinihinging kailangan sa pagtuturo bilang isang responsibilidad

Select one of the following:

  • 1,2,3

  • 1,2

  • 1,2,3,4

  • 2,3,4

Explanation

Question 16 of 20

1

Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing pamantayan sa paghahanda ng edukasyon pang midya o kagamitang teknolohikal ?

Select one of the following:

  • Kaanyuan

  • Kaangkupan

  • Kapanahunan

  • Teknikaliti

Explanation

Question 17 of 20

1

Bakit mahalaga paunang mapanood ng guro ang pelikulang nais gamitin bilang kagamitan sa pagtuturo?

Select one of the following:

  • Upang makapaghanda ng kaugnay na gabay- tanong na ibibigay sa klase

  • Upang masusing mapili ng guro ang mga tagpong bibigyang diin para sa gagawing mga paglilinaw at pagtatalakay

  • Upang matiyak na walang tagpong di naaangkop sa mga manonood na mag-aaral maging eksena man o dayalogo

  • Upang hindi na tunghayan pa ng guro ang panood sa halip ay ipaubaya na lamang niya ito sa klase

Explanation

Question 18 of 20

1

Kailan maaaring makabuluhang paggamit ng mga mag-aaral ang internet sa kanilang klase kung aralin ay tungkol sa pagsusulat ng liham?

Select one of the following:

  • Pag-download ng mga modelong halimbawa ng liham mula sa ilang

  • Pag-scan at pag print ng mga ginawang liham na taglay ang mga mekanismo nito

  • Pagpapadala ng ginawang liham sa kinauukulan gamit ang e-mail nito at pag hintay sa maaaring pagtugon

  • Pagpopost sa facebook account ng ginawang liham para sa kaalaman ng madla

Explanation

Question 19 of 20

1

Ang mga sumusunod na mga panuntunan na dapat isaalang-alang sa tamang paghahanda ng slides para sa LCD projector na maka tutulong sa mas malawakang pag-unawa at pagkatuto ng mga mag-aral maliban sa isa.

Select one of the following:

  • Magkakontrast na kulay ng front sa kulay na background

  • Iba’t ibang effect pormat at disenyo sa bawat slide

  • Maikli at yaong mahahalagang konsepto lamang ang mga salitang nakalahad sa bawat slide

  • Malalaki ang sukat ng front para nababasa at nauunawaan

Explanation

Question 20 of 20

1

Kung gagamit ng teknolohikal na kagamitan panturo sa pag lalahad ng aralin sa iba’t ibang klase na inangkupan ng halimbawa ng telenobelang napapanahon, ano ang maaaring mag mungkahi ng mabisang gamitin?

Select one of the following:

  • Telebisyon

  • Larawang ipinapakita sa tulong ng LCD projector

  • Isinateyp na dayalogo

  • DVD

Explanation