Quiz
Filipino Set A
Create a free account to finish this quiz
Save your progress and see your final score.
Already have an account? Sign in
Questions in this quiz (20)
1Alin sa mga sumusunod ang may tamang pares ng element o bahagi ng pagsusulit na pagtatapat-tapatin.
- AHanay A – Letra : Hanay B – Tambilang
- BHanay A – Aytem : Hanay B – Opsyon
- CHanay A-Opsyon : Hanay B - Distrakter
- DHanay A-Maikli : Hanay B - Mahaba
2Unawain at analisahin ang sumusunod na tanong mula sa kwentong “Ang Kalupi” Tukuyin ang layuning nakasaad sa naturang tanong ng guro.
“Kung ikaw si Aling Marta, huhusgahan mo rin ba ang iyong kapwa batay sa mga hinala na di mo naman aktwal na nakita?- ANapahahalagahan ang kaangkupan, katiyakan at pagkamakatotohanan ng impormasyon nakalahad sa teksto.
- BNaibabahagi ang sariling paninindigan ayon sa nahangong kaisipan sa binasang teksto
- CNaihahambing ang kaisipang ipinapahayag sa teksto sa tulong ng pamantayang pansarili mula sa guro at sa ibang tao
- DNahahango ang diwa ng kwento tungo sa pagbuo ng buod nito
3Kung gagamitin ng isang talaan ng datos bilang lunsaran sa gagawing pagsusulit, anong tanong ang higit na mabisa para sa mas mataas na antas ng kasanayan pampag-iisip?
Talaan ng mga dahilan ng pagsisikap ng mga mag-aaral na makapag-aral
AYTEM BAHAGDAN
Makapag hanapbuhay 40
Sundin ang magulang 15%
Makapasa sa pagsusulit para sa pagkuha ng lisensya 5%
Makapagtrabaho sa ibang bansa 5%
Magkaroon ng magandang kinabukasan 15%
Magkaroon ng diploma 20%
KALAHATAN 100%
Tumugon: 149 na nasa ikatlong taon sa kanilang kurso- Aanong aytem ang may dalawampung bahagdan
- BIlan ang bahagdan ng aytem tungkol sa makapaghanapbuhay
- CAnong mga aytem ang may pinakamababa at pinaka mataas na bahagdan at agwat sa pagitan ng mga ito
- DAno ang ikalimang aytem
4Kung bubuo ng isang aytem ng pagsusulit na interdisciplinary para sa Filipino at matematika, anong lunsarang talaan ang maaring gamitin na higit na makagaganyak at magiging kapaki-pakinabang para sa mga mag-aaral?
1. Pamasahe sa dyip sa iba’t ibang ruto
2. Pagbabadyet ng allowance at pamalengke
3. Istatistika ng populasyon sa buong mundo
4. Mga bayarin tulad ng kuryente, tubig at iba pa- ATambilang 1,2 at 3
- BTambilang 1,2 at 4
- CTambilang 2,3 at 4
- DTambilang 1,2,3 at 4
5Sa kasalukuyan ay masugid na isinusulong ang integratibong anyo at uri sa pagsusulit. Ibigay ang pagkakaiba ng tradisyonal at awtentikong pagsusulit.
- AAng una ay sinauna samantala ang huli ay modern
- BAng una ay nasusulat samantala ang huli ay di-nasusulat
- CAng una ay gamitin samantala ang ikalawa ay madalang gamitin
- DAng una ay sumusukat sa kasanayang naipapamalas samantala ang huli ay pagtataya sa kasanayang pampag-iisip at kaalamang natamo o natatandaan
6Ang kagamitang pampagtuturo a nagtataglay ng mga gabay sa guro at kanyang mag-aaral at tumitiyak sa kagalingan pampagkatuto. Ang mga sumusunod na konsepto ay nagpapahayag ng katuturan ng kagamitang pampagtuturo maliban sa isa.
- ANilalaman Na dapat matutunan
- BTeknik napaglalapat at pagsasanay
- CKahusayan ng guro sa paglinang ng kasanayan
- DParaan ng pagtuturo kaugnay ng teknik at pamamaraan
7Ito ang anyo ng kagamitang pampagtuturo – pampagkatuto na buo at ganap sa kanyang sarili at naglalahad ng mga tiyak na akdang Gawain sa kaparaanang sistematiko at kontrolado.
- ABatayang Aklat
- BSanggunian aklat
- CModyul
- DManwal
8Sa pagtuturo ng aralin sa paglalarawan , pinlano ni Titser Jess na gamiting lunsaran ang mga ipinagmalaking tanawin sa Pilipinas. Anong kagamitang panturo ang pinakamisang maimumungkahi sa kanya?
- AMakukulay na larawan sa tulong ng overhead projector
- BBagong edisyon ng magaing pampaglalakbay
- CIsinateyp na karanasan ng mga turistang nakatungo na sa mga ito
- DVidyo ng dokumentaryong pampaglalakbay na ihanda ng kagawarang ng turismo
9Kung gagamitin ang pelikula bilang kagamitang pantulong sa pagtuturo ng wika, alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga inilahad na panuntunan?
- APaunang pinapanood ng guro ang pelikulang gagamitin upang ibayong maihanda ang mga gabay tanong hinggil sa pagtalakay ng mahahalagang tagpo
- BPagpanood ng buo pelikula habang ang guro ay abala sa ibang gawaing pangklase
- CPatuloy na paggabay ng guro sa klase ng kanilang panonood at pagbibigay ng ilang paglilinaw sa ilang isyu o konseptong hango sa ilang bahagi ng kwento
- DPagbibigay ng inaasahang panuntunan tungo sa wastong paglalahad ng Gawain
10Naging laganap sa pagtuturo ng wika ang paggamit ng pinalatuntunang kagamitan bilang serye ng mga aralin at kaalaman na maingat na inayos sa lohikal na pagkabuo.
Ano ang katotohanan sa likod nito?
I. Ang pinalatuntunang kagamitan ay nakatutulong sa pagbibigay lunas sa suliranin sa kakulangan ng silid-
aralan at gurong magtuturo
II. Nakapagbibigay ito ng pagkakataong makaboto sa gawaing pangklase ang mag –aaral na lumiban noong
nakaraang talakayan
III. Isa itong panlunas na Gawain sa mga mag-aaral na may mabagal na antas ng pagkatuto
IV. Maituturing ito na isang estratehiya para sa mga mag-aaral na may mabilis na antas ng pagkatuto habang hinihintay ang karamihan sa iba pang gawain- AI at II lamang
- BIII at IV lamang
- CI,II at III lamang
- DI,II, III at IV
11Maglugod na isinusulong sa ang awtentikong kagamitan sa pagtuturo ng wika sa mga paaralan. Alin sa mga sumusunod na tunguhing pangkasaysayan ang may angkop na awtentikong kagamitan?
KASANAYAN KAGAMITAN
I. Pagbibigay kahulugansa isang salita Thesaurus
II. Paglalarawan sa teknolohiya ATM at LRT Kard
III. Pagtatala at pag-aanalsiisa ng datos Resibo ng kuryente
IV. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari Rsipe- AII at IV
- BI,II at IV
- CI,II at III
- DI,II,III at IV
12Sa paggamit ng pinalatuntunang kagamitan, kadalasan ay binibigyan ng guro ng pabuya o pagbati ang mga mag-aaral sa bawat wastong tugon sa mas matibay na pundasyon ng pagkatuto. Ito ay halaw sa simulang __________ .
- AAktibong pagtugon (Active Responding)
- BPagpapatibay (Reinforcement)
- CPagbibigay pahiwatig (Cueing/prompting)
- DSupil na gawi (Controlled behavior)
13Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakabalangkas ng pangkat ng kagamitan panturo?
- AGinagawa-balangkas berbal, simbolong biswal
- BMinamasid – pelikula, eksibit, excursion
- CSinasagisag- binalangkas na karanasan tuwirang karanasan
- DPinakilahukan- modelo, virtwal reality, rialya
14Pag ugnayin ang istilong pampagkatuto at angkop na kagamitang pampagtuturo na matatagpuan sa loob ng talahanayan sa ibaba. Piliin ang may tamang pagkakaugnay.
ISTILO NG PAGKATUTO KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
1. Analitik A. Larong pangwika
2. Global B.Eksibit
3. Biswal C. Pakikipanayam
4. Kinestetik D. Ekskursyun- A1-A
- B2-D
- C4-C
- D3-B
15Ang banghay-aralin ang itinuturing na pinakapangunahing kagamitan ng guro bilang gabay sa pagtuturo tungo sa layuning pampagkatuto . Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kahalagahan nito?
1. Pagtataya sa pamamaraan ng guro s kanyang pagtuturo
2. Gabay ng pansamantalang kahalili ng guro sa panahong siya ay liban
3. Natitiyak ang pagkakasunod ng mga aralin at gawaing batay sa kaugnay na layunin
4. Natutugunan ang hinihinging kailangan sa pagtuturo bilang isang responsibilidad- A1,2,3
- B1,2
- C1,2,3,4
- D2,3,4
16Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing pamantayan sa paghahanda ng edukasyon pang midya o kagamitang teknolohikal ?
- AKaanyuan
- BKaangkupan
- CKapanahunan
- DTeknikaliti
17Bakit mahalaga paunang mapanood ng guro ang pelikulang nais gamitin bilang kagamitan sa pagtuturo?
- AUpang makapaghanda ng kaugnay na gabay- tanong na ibibigay sa klase
- BUpang masusing mapili ng guro ang mga tagpong bibigyang diin para sa gagawing mga paglilinaw at pagtatalakay
- CUpang matiyak na walang tagpong di naaangkop sa mga manonood na mag-aaral maging eksena man o dayalogo
- DUpang hindi na tunghayan pa ng guro ang panood sa halip ay ipaubaya na lamang niya ito sa klase
18Kailan maaaring makabuluhang paggamit ng mga mag-aaral ang internet sa kanilang klase kung aralin ay tungkol sa pagsusulat ng liham?
- APag-download ng mga modelong halimbawa ng liham mula sa ilang
- BPag-scan at pag print ng mga ginawang liham na taglay ang mga mekanismo nito
- CPagpapadala ng ginawang liham sa kinauukulan gamit ang e-mail nito at pag hintay sa maaaring pagtugon
- DPagpopost sa facebook account ng ginawang liham para sa kaalaman ng madla
19Ang mga sumusunod na mga panuntunan na dapat isaalang-alang sa tamang paghahanda ng slides para sa LCD projector na maka tutulong sa mas malawakang pag-unawa at pagkatuto ng mga mag-aral maliban sa isa.
- AMagkakontrast na kulay ng front sa kulay na background
- BIba’t ibang effect pormat at disenyo sa bawat slide
- CMaikli at yaong mahahalagang konsepto lamang ang mga salitang nakalahad sa bawat slide
- DMalalaki ang sukat ng front para nababasa at nauunawaan
20Kung gagamit ng teknolohikal na kagamitan panturo sa pag lalahad ng aralin sa iba’t ibang klase na inangkupan ng halimbawa ng telenobelang napapanahon, ano ang maaaring mag mungkahi ng mabisang gamitin?
- ATelebisyon
- BLarawang ipinapakita sa tulong ng LCD projector
- CIsinateyp na dayalogo
- DDVD
Information
- Description
- 1 Education Quiz on Filipino Set A, created by Bryan Suringa on 28/12/2020.
- Author
- Bryan Suringa
- Language
- English
- Views
- 41
- Tags
- Rating
- No ratings yet Rate this quiz