¡GoConqr estrena diseño! Cuéntanos qué te parece.

Fichas

Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna

Jen Vinluan Filipino Inglés 5,0Valoración media 5,0 de 5 (1 valoración) 17 fichas 5.223 visitas

Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna

Fichas del conjunto (17)

  1. 1—Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna
    (Isang Korido)
    Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna (Isang Korido)
  2. 2IBONG ADARNAIsang engkantadong ibon. Ito ay nagpapahinga sa punong may mga pilak na dahon kung sumasapit ang hatinggabi. Umaawit ito ng pitong beses at sa bawat awit nito ay nag-iiba ng anyo ang kanyang mga plumahe. At sinumang naghihintay sa kanya ay napipilitang makatulog sa pitong ulit na pag-awit na ginagawa niya. Pagkatapos ng pitong awit ay magbabawas ang Ibong Adarna bago matulog. Mahiwaga ang kanyang awit at nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sinumang makadinig nito, ngunit ang mapatakan ng kanyang dumi ay nagiging bato.IBONG ADARNA
  3. 3HARING FERNANDOKinikilalang isang haring makatarungan at makatuwiran. Hinahangaan nang labis ang kanyang mahusay na pamamahala sa Berbanya dahil sa payapang namumuhay ang mga mamamayan sa maunlad na kaharian.HARING FERNANDO
  4. 4REYNA VALERIANAAng butihing asawa ni Don Fernando at ina ng tatlong magigiting na prinsipe ng Berbanya na sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan. Ang kanyang kahinahunan ay lalong nagdulot ng kabutihan upang ang Hari ng Berbanya ay higit na maging makatarungan at matalino sa pamamalakad sa kaharian.REYNA VALERIANA
  5. 5DON PEDROAng panganay na anak ng Hari at Reyna ng Berbanya. Isa siyang magiting na mandirigma. Likas ang angking galing at talino na taglay ng isang prinsipeng tagapagmana ng korona, subalit likas din ang kanyang angking kabuktutan at ang lihim na inggit. Naghahangad na sumunod na maging hari ng Berbanya.DON PEDRO
  6. 6DON DIEGOAng pangalawang anak ng Hari at Reyna ng Berbanya. Isang prinsipeng sunud-sunuran sa kapatid na si Don Pedro. Tulad ng panganay na kapatid, siya ay bihasa rin sa paghawak ng armas. Bagama’t may angking talino sa pamumuno at may kakayahan ding tanghaling tagapagmana ng korona ay naging sunud-sunuran si Don Diego sa panganay na kapatid kaya’t nawalan ng sariling desisyon. Si Don Diego ay nalilihis ng landas dahil sa kabuktutan ni Don Pedro.DON DIEGO
  7. 7DON JUANAng pinakanatatanging prinsipe, ang bunsong anak ng hari at reyna. Siya ang prinsipeng matuwid at nagmana ng pagiging makatarungan at makatuwiran ng amang hari. Likas sa puso ang kabutihan kaya’t nagawang linlangin ng dalawang kapatid na may buktot na hangarin. Ang likas na kabutihang taglay ang nagligtas kay Don Juan sa mga kapahamakang nasusuungan.DON JUAN
  8. 8DONYA MARIA BLANCAAng prinsesa ng Reyno Delos Cristal. May taglay ding kapangyarihang mahika na higit pa sa kanyang ama na si Haring Salermo.DONYA MARIA BLANCA
  9. 9HARING SALERMOHari sa kaharian ng Delos Cristal (Kaharian ng mga Kristal) at ama ni Donya Maria Blanca. May taglay na mahikang itim.HARING SALERMO
  10. 10DONYA LEONORAAng bunsong kapatid ni Donya Juana at iniligtas ni Don Juan mula sa serpyenteng may pitong ulo na tagapagbantay niya.DONYA LEONORA
  11. 11DONYA JUANAAng kapatid ni Donya Leonora at prinsesang iniligtas ni Prinsipe Juan mula sa higanteng nagbabantay sa kanya.DONYA JUANA
  12. 12ERMITANYOAng matandang nagpayo kay Don Juan ng mga kailangan niyang gawain para mahuli ang engkantadong Ibong Adarna.ERMITANYO
  13. 13MATANDANG LEPROSOAng matandang may mahigpit na bilin na makipagkita muna si Don Juan sa ermitanyo na naninirahan sa isang kuweba sa Bundok Tabor bago pa man niya pangahasang hulihin ang Ibong Adarna.MATANDANG LEPROSO
  14. 14ARSOBISPOSiya ang humatol na dapat maikasal sina Don Juan at Donya Leonora.ARSOBISPO
  15. 15LOBOAng alaga ni Donya Leonora na siyang gumamot kay Don Juan sa Kaharian ng Armenya.LOBO
  16. 16ANG HIGANTEMay bihag at nagbabantay kay Donya Juana. Nakalaban ni Don Juan.ANG HIGANTE
  17. 17ANG SERPYENTEMalaking ahas na may pitong ulo na siyang nagbabantay kay Donya Leonora.ANG SERPYENTE

Información

Descripción
Kilalanin ang mga tauhan ng Koridong Ibong Adarna.
Creado por
Jen Vinluan
Visitas
5.223
Valoración
Valoración media 5,0 de 5 (1 valoración)

Escríbenos

¿Sobre qué es tu mensaje?

¿Qué te parece el nuevo diseño?

¿Te gusta?