GoConqr hat ein neues Design! Sag uns, wie es dir gefällt.

Karteikarten

Gr6_AP_Aralin 4: Ang Himagsikan sa Kolonyalismong Espanyol Hanggang sa Deklarasyon ng Kalayaan

Rose Tabije Araling Panlipunan Englisch 85 Karten

Karten in diesem Stapel (85)

  1. 1Ang katipunerong nangumpisal sa pari na naging dahilan ng pagkakabisto ng KatipunanTEODORO PATIÑO
  2. 2Ang paring pinagkumpisalan ni Teodoro Patiño na nagbunyag sa pagkakaroon ng Katipunan.PADRE MARIANO GIL
  3. 3Ang katipunerong naka-away ni Teodoro Patiño.APOLONIO DE LA CRUZ
  4. 4Ang petsa ng pagpapatawag ng mga pinuno ng Katipunan upang magkasundo na simulan ang paghihimagsik. Kilala din ang pangyayaring ito bilang "Sigaw sa Pugad Lawin".AGOSTO 23, 1896
  5. 5Petsa nung sabay-sabay na pinunit ng mga Katipunero ang kanilang sedula at sumigaw ng "Mabuhay ang Pilipinas!" bilang tanda ng kanilang pakikipaglaban at naging hudyat ng pagsisimula ng himagsikan.AGOSTO 23, 1896
  6. 68 Lalawigang Nanguna sa Himagsikan at Isinailalim ng Mga Espanyol sa Batas Militar (BU-TA-BA-CA-LA-NU-PA-MA)1. Batangas
    2. Tarlac
    3. Bulacan
    4. Cavite
    5. Laguna
    6. Nueva Ecija
    7. Pampanga, ay
    8. Maynila
  7. 7Ang Sinasagisag ng Walong Sinag ng Araw sa Pambansang Watawat.Ang walong lalawigang nanguna sa himagsikan at kalauna'y isinailalim sa batas militar ng mga Espanyol
  8. 8Ang Dalawang Pangkat ng Katipunan1. MAGDALO
    2. MAGDIWANG
  9. 9Ang pangkat o paksiyon na pinamunuan ni Baldomero Aguinaldo, pinsan at kakampi ni Emilio AguinaldoMAGDALO
  10. 10Ang pangkat o paksiyon na pinamunuan ni Mariano Alvarez na panig kay Andres BonifacioMAGDIWANG
  11. 11Ang namuno sa mga Katipunero sa Cavite.EMILIO AGUINALDO
  12. 12Ang batambatang pinunong ipinanganak sa Kawit, Cavite at naging Kapitan Munisipal sa gulang na 26.EMILIO AGUINALDO
  13. 13Mahusay na pinuno na naging matagumpay sa lahat ng kanyang laban at tumalo sa mga kawal na pinamunuan mismo ng Gobernador-Heneral na si Ramon Blanco.EMILIO AGUINALDO
  14. 14Kilala bilang Kapitan Miong at kalauna'y naging Heneral Miong.EMILIO AGUINALDO
  15. 15Ang Sanhi ng Tejeros Convention1. Ang alitan sa dalawang pangkat sa Katipunan
    2. Ang sunod-sunod na pagkatalo ng mga Katipunero sa maraming laban
  16. 16Mga Layunin ng Tejeros Convention1. Ayusin ang mga suliranin ng Katipunan
    2. Magtatag ng isang bagong pamahalaan
  17. 17Ang Pangyayari sa Kumbensyon sa TejerosNagkaroon ng halalan. Nahalal si Aguinaldo bilang pangulo at si Bonifacio bilang Direktor ng Interyor.
  18. 18Ang Tumutol sa Pagkapanalo ni BonifacioDANIEL TIRONA
  19. 19Ang Dahilan ni Tirona sa Pagtutol sa Pagkapanalo ni BonifacioPagiging hindi abogado ni Bonifacio
  20. 20Ang Reaksyon ni Bonifacio sa Pagtutol ni TironaNagdamdam at bilang Supremo ng Katipunan ay pinawalang-bisa niya ang resulta ng eleksyon
  21. 21Ang Reaksyon ni Aguinaldo sa PangyayariNanumpa pa rin sina Aguinaldo at ang kanyang gabinete bilang mga halal na opisyales ng Rebolusyonaryong Pamahalaan noong Abril 1897
  22. 22Ang Sumunod na Pangyayari Pagkapanumpa kina Aguinaldo at Kanyang GabineteDinakip at inakusahan agad ng pamahalaan si Bonifacio at ang kapatid nitong si Procopio ng pagtataksil sa bayan (treason)
  23. 23Nanguna sa binuong Konseho ng Digmaan na naatasang litisin ang kaso ng magkapatid na BonifacioHENERAL MARIANO NORIEL
  24. 24Ang Pamamaraan ng Paglilitis sa Magkapatid na BonifacioMabilis ang paglilitis. At kahit walang sapat na ebidensya ay pinatawan pa rin sila ng parusang kamatayan.
  25. 25Ang Ginawa ni Aguinaldo sa Ipinataw na Parusang Kamatayan sa Mga BonifacioSa una, binago ni Aguinaldo ang parusa at ginawang pagpapatapon nalang sa malayong lugar (exile). Pero ibinalik uli sa kamatayan para diumano magkaisa ang rebolusyon.
  26. 26Mga Nagpayo kay Aguinaldo na Ibalik ang Parusang Kamatayan sa Magkapatid na Bonifacio1. HENERAL MARIANO NORIEL
    2. HENERAL PIO DEL PILAR
  27. 27Petsa ng Pagbitay sa Magkapatid na BonifacioMAYO 10, 1897
  28. 28Lugar na Pinagbatayan sa Magkapatid na BonifacioBUNDOK NAGPATONG,
    MARAGONDON, CAVITE
  29. 29Bunga ng Pagbitay sa Magkapatid na BonifacioHumina ang rebolusyon at unti-unting nabawi ng mga Espanyol ang mga nasakop na lugar ng mga rebolusyonaryo.
  30. 30Petsang Nabawi ni Gobernador-Heneral Primo de Rivera ang CaviteHULYO 1897
  31. 31Ang Ginawa ni Aguinaldo sa unti-unting Pagkawala sa Kanyang Mga NasakopMula Cavite, tumakas sila papuntang Talisay, Batangas at pagkatapos ay nagtungo sila sa Bulacan
  32. 32Lugar Kung Saan Itinatag ni Aguinaldo ang Republika ng Biak-na-BatoBULACAN
  33. 33Petsa na Pinagtibay ang Saligang Batas ng Biak-na-BatoNOBYEMBRE 1, 1897
  34. 34Mga Bumuo sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato1. FELIX FERRER
    2. ISABELO ARTACHO
  35. 35Ang Pinagbatayan ng Saligang Batas ng Biak-na-BatoSALIGANG BATAS NG CUBA
  36. 36Mga Itinakda ng Saligang Batas ng Biak-na-Bato1. Ang paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya at pagtatayo ng Republikang Pilipino.
    2. Ang kalayaan sa pananampalataya, kalayaan sa edukasyon, kalayaan sa panulat, at kalayaan sa pagtataguyod ng sariling propesyon.
  37. 37Ang Mestiso Espanyol na Tumayong Tagapamagitan ng Pamahalaang Espanyol at ng Pangkat ni AguinaldoPEDRO PATERNO
  38. 38Bilang ng Kasunduang Nilagdaan Sa Kasunduang Biak-na-Bato3 (TATLO)
  39. 39Ang Dahilan ng Pagkabigo ng Kasunduang Pangkapayapaan sa Biak-na-BatoKawalan ng pagtitiwala ng magkabilang panig sa isa't-isa
  40. 40Mga Napagkasunduan sa Kasunduang Biak-na-BatoAng paghinto ng himagsikan at kusang pagtira sa Hong Kong bilang tapon (exile) ng mga pinunong rebolusyonaryo at pagsuko ng mga armas kapalit ang pera.
  41. 41Petsa ng Pagdaraos ng Tejeros ConventionMARSO 22, 1897
  42. 42Unang Pangulo ng Rebolusyonaryong PamahalaanEMILIO AGUINALDO
  43. 43Natatanging Babaeng Heneral ng Himagsikan mula sa Santa Cruz, LagunaAGUEDA KAHABAGAN
  44. 44Babaeng Rebolusyonaryo Mula sa Cavite na Nasawi Habang Nakikipaglaban.GREGORIA MONTOYA
  45. 45Babaeng Rebolusyonaryo ng Iloilo sa Visayas na Namuno at nakisangkot sa Mga LabananTERESA MAGBANUA
  46. 46Matandang Babaeng Kumupkop at Nagpakain sa Maraming Mga Katipunero sa Kanyang Tahanan Kaya't Ipinatapon sa GuamMELCHORA AQUINO
    o
    "TANDANG SORA"
  47. 47Babaeng Tumulong sa Pag-aaruga sa Mga Sugatang Katipunero at Tinaguriang "Ina ng Biak-na-Bato"TRINIDAD TECSON
  48. 48Mga Iba Pang Babaeng Tumulong sa Pag-aaruga sa Mga Sugatang Katipunero1. ELEUTERIA FLORENTINO-REYES, ILOCOS
    2. BERNARDA TAGALOG, CAVITE
  49. 49Ang Magiting na Asawa ni Andres Bonifacio na Tinaguriang "Lakambini ng Katipunan". Isa Rin Siya sa Mga Tagapag-ingat ng Mga Papeles ng KatipunanGREGORIA DE JESUS
  50. 50Petsa ng Paglisan nina Aguinaldo at 36 pang Ibang Rebolusyonaryo Patungong Hong KongDISYEMBRE 27, 1897
  51. 51Petsa ng Pagbalik nina Aguinaldo sa Pilipinas Mula Hong KongMAYO 18, 1898
  52. 52Ang Sinakyang Amerikanong Barko ni Aguinaldo Pabalik sa PilipinasUSS McCULLOCH
  53. 53Ang Amerikanong Pinuno ng Plota ng Mga Amerikano sa Silangan na Nag-utos kay Aguinaldo para Bumalik sa PilipinasKOMODOR GEORGE DEWEY
  54. 54Lugar ng Pagpuoulong Nina Dewey at Aguinaldo Kung Saan Nagpahayag ng Kasiguruhan si Dewey na ang Tanging Layunin Nila ay Tulungang Makalaya ang Pilipinas sa Mula sa Mga EspanyolUSS OLYMPIA
  55. 55Petsa na Itinatag ni Aguinaldo ang Isang Pamahalaang Diktatoryal para Muling Mapag-isa ang Mga RebolusyonaryoMAYO 24, 1898
  56. 56Petsa Nung Pinalitan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal ng Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Payo ni Apolinario MabiniHUNYO 23, 1898
  57. 57Ang Tubong Batangas na Tagapayo ni Aguinaldo na Tinaguriang "Utak ng Himagsikan"APOLINARIO MABINI
  58. 58Kilala Siya sa Taguring "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko"APOLINARIO MABINI
  59. 59Ang Itinadhana ng Pamahalaang RebolusyonaryoAng pagtatayo ng iba't-ibang sangay ng pamahalaan tulad ng pamahalaang lokal at Kongreso
  60. 60Petsa Nang Pinasinayaan ang Kongreso ng MalolosSETYEMBRE 15, 1898
  61. 61Lugar Kung Saan Pinasinayaan ang Kongreso ng MalolosSIMBAHAN NG BARASOAIN,
    MALOLOS, BULACAN
  62. 62Ang Namuno sa Kongreso ng MalolosPEDRO PATERNO
  63. 63Ang Kapangyarihan ng Kongreso ng MalolosTagapayo lamang kay Aguinaldo at walang kapangyarihang gumawa ng batas
  64. 64Petsa Kung Kailan Napagtibay ang Saligang Batas ng Malolos na Nagsasaad Susundin ang Mga Patakaran Para sa Pagkakaroon ng Republikanong PamahalaanNOBYEMBRE 29, 1898
  65. 65Mga Patakarang Sinunod ng Saligang Batas ng Malolos Para Magkaroon ng Republikanong Pamahalaan1. Paghihiwalay ng estado at simbahan
    2. Pagkilala sa karapatan ng bawat tao
    3. Libreng edukasyon sa elementarya
    4. Probisyon tungkol sa kapangyarihan ng ehekutibo, lehislatura, at hukuman
    5. Pagkakaroon ng sistemang unicameral o isang kapulungan sa kongreso
  66. 66Petsa Nang Pinagtibay ang Saligang Batas ng Malolos. At sa Araw na Iyon, Nagwakas ang Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Pagtatatag ng Pamahalaang Republikano.ENERO 21, 1899
  67. 67Petsa Nang Pinasinayaan ang Pagtatatag ng Unang Republika ng PilipinasENERO 23, 1899
  68. 68Lugar Kung Saan Pinasinayaan ang Unang Republika ng PilipinasSIMBAHAN NG BARASOAIN,
    MALOLOS, BULACAN
  69. 69Mas Kilalang Pangalan ng Unang Republika ng PilipinasREPUBLIKA NG MALOLOS
  70. 70Ang Nagsilbing Pangulo ng RepublikaEMILIO AGUINALDO
  71. 71Ang Namuno sa Gabinete ng RepublikaAPOLINARIO MABINI
  72. 72Ang Huling Araw ng Panunungkulan ni Aguinaldo Bilang Pangulo ng RepublikaMARSO 23, 1901
  73. 73Ang Dahilan ng Pagwakas ng Panunungkulan ni Aguinaldo Bilang PanguloNadakip siya ng mga Amerikano sa Palanan, Isabela
  74. 74Ang Araw ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng PilipinasHUNYO 12, 1898
  75. 75Ang Pamagat ng Pambansang Awit na Pinatugtog noong Hunyo 12, 1898MARCHA NACIONAL FILIPINA
  76. 76Ang May Katha sa Musika ng Pambansang AwitJULIAN FELIPE
  77. 77Ang Guro ng Musika at Organista sa Simbahan ng Cavite na Ipinakilala ni Heneral Mariano Trias Kay Aguinaldo na Siyang Lumikha ng Himig ng Pambansang AwitJULIAN FELIPE
  78. 78Ang Unang Pamagat ng Marcha Naçional FilipinaMARCHA FILIPINA MAGDALO
  79. 79Ang Bandang Tumugtog sa Pambansang Awit noong Hunyo 12, 1898BANDA NG SAN FRANCISO DE MALABON
    o
    "BANDA MATANDA"
  80. 80Ang Kawal at Makata na Gumawa ng Tulang Espanyol na Ginamit Bilang Titik o Lirika ng Pambansang Awit Noong 1899JOSE PALMA
  81. 81Ang Pamagat ng Tula na Ginawa ni Jose PalmaFILIPINAS
  82. 82Ang Mga Nagdisenyo sa Watawat ng Pilipinas sa Hong Kong1. MARCELA AGONCILLO
    2. LORENZA AGONCILLO
    3. DELFINA HERBOSA DE NATIVIDAD
  83. 83Ang Sumulat at Bumasa sa Deklarasyon ng Kalayaan sa Wikang EspanyolAMBROSIO RIANZARES-BAUTISTA
  84. 84Bilang ng Lumagda sa Deklarasyon ng Kalayaan98, kabilang si Aguinaldo at isang Amerikanong sundalong opisyal
  85. 85Pangalan ng Amerikanong Lumagda sa Deklarasyon ng KalayaanKORONEL L.M. JOHNSON

Informationen

Beschreibung
Araling Panlipunan (Kab I: Kinalalagyan ng Pilipinas@Malayang Kaisipan sa Mundo) Karteikarten am Gr6_AP_Aralin 4: Ang Himagsikan sa Kolonyalismong Espanyol Hanggang sa Deklarasyon ng Kalayaan, erstellt von Rose Tabije am 18/10/2020.
Erstellt von
Rose Tabije
Aufrufe
737
Bewertung

Feedback

Worum geht es?

Wie gefällt dir das neue Design?

Dein Eindruck