Flashcards
Gr5_AP_Aralin 14: Patakarang Pangkabuhayan (Ekonomiya) ng mga Espanyol
Cards in this deck (47)
- 1Malaking sasakyang-dagat ng mga Espanyol.GALYON
- 2Kalakalang-galyon mula Maynila patungong Acapulco, Mexico at pabalik at naglalakbay minsan lang sa isang taon.KALAKALANG MAYNILA-ACAPULCO
(MANILA-ACAPULCO TRADE) - 3Kalakalang monopolyo ng pamahalaang Espanyol o ibig-sabihin, isinara sa ibang bansa ang kalakalan sa Maynila maliban sa Mexico.KALAKALANG MAYNILA-ACAPULCO
(MANILA-ACAPULCO TRADE) - 4Ang nangasiwa sa Kalakalang-Galyon.PAMAHALAANG ESPANYOL
- 5Ang Mga Kalahok sa Kalakalang-GalyonTanging mga may boleta o tiket
- 6Ang Paglalarawan sa Pagdiriwang sa Pag-alis at Pagdating ng Galyon1. May palamuti at tugtugan sa Maynila.
2. May misang idinaraos bilang pasasalamat sa ligtas na paglalakbay nito. - 7Dahilan sa Pagdiriwang sa Bawat Pagdating o Pag-alis ng GalyonMatagal at mapanganib ang paglalakbay ng galyon.
- 8Mga Panganib sa Paglalakbay ng Galyon1. May namamatay at nagkakasakit sa paglalakbay.
2. Maaari din itong masiraan, lumubog o mapagnakawan ng mga pirata. - 9Ang Tagal ng Pagbiyahe ng GalyonISANG TAON
- 10Ang katunayan ng pagmamay-ari ng mga kalakal.BOLETA O TIKET
- 11Ang Halaga ng Isang Boleta o Tiket250 Mexican Peso
- 12Ang Tubo sa Kalakalang GalyonMALAKI. Umaabot sa 100 hanggang 300 porsiyentong kita kaya marami ang lumahok dito.
- 13Ang Ginagawa ng Mga Kalahok sa Kalakalang Galyon Upang MamuhunanNangungutang sa Obras Pias
- 14Ang institusyong itinayo para sa pagkakawanggawa.OBRAS PIAS
- 15Ang Pinanggalingan ng Pondo ng Obras PiasMula sa tulong sa simbahan na bigay ng mga mayayamang tao.
(Donasyon) - 16Ang Patutunguhan ng Pondo ng Obras Pias1. Ang pondo ay inilaan sa paggawa ng ospital, paaralan at pantulong sa mga mahihirap, at may sakit.
2. Ginawang bangkong pangkomersyal ang Obras Pias at ang pondo ay ipinautang sa mga mangangalakal na may malaking patubo o interes. - 17Ang Nangyari sa Obras PiasNalugi dahil maraming utang ang hindi nabayaran.
- 18Mga Magagandang Epekto ng Kalakalan (1 - 2)1. Nadagdagan ang kita na ipinantustos sa pagpapanatili ng Kristiyanismo (Katolisismo) sa bansa at pamamahala ng pamahalaang Espanyol.
2. Nakilala ang Pilipinas sa pandaigdig na nagbigay-daan sa mga dayuhang kompanyang mamuhunan sa bansa. - 19Mga Magagandang Epekto ng Kalakalan (3 - 4)3. Nakakating sa bansa ang mga makabagong ideya at teknolohiya mula sa Mexico at Espanya.
4. Nagpakilala ito sa pagiging mahusay at malikhain ng mga Pilipino sa paggawa ng mga barko at magaganda ng produkto. - 20Mga Di-Magandang Epekto ng Kalakalan (1 - 2)1. Napabayaan ang pagsasaka na dahilan ng kakulangan sa suplay ng pagkain.
2. Bumagal ang pag-unlad ng ibang kabuhayan at lalawigan dahil sa sobrang tutok sa kalakalan. - 21Mga Di-Magandang Epekto ng Kalakalan (#3)3. Mga mayayamang Espanyol lamang at ilang may pribilehiyo ang nakinabang dito. Itong kalakalan ay nagbunga ng mga katiwalian at pang-aabuso sa mga Pilipino sa pagkat kailangang maparami nila ang mga produktong iniluluwas na binibili sa murang halaga.
- 22Ang Kinahinatnan/Nangyari sa Kalakalang GalyonBinuwag ng Hari ng Espanya dahil sa di magandang epekto.
- 23Taong binuwag ang Kalakalang Galyon1815
- 24Mga Puna sa Kalakalang GalyonAng sabi ng iba, mabuting napabayaan ng mga Espanyol ang pagtuklas ng likas na yaman ng bansa at hindi nila nalinang ang industriya ng pagmimina dahilan para hindi maubos ang ginto sa bansa.
- 25Ang pinakahuling galyon na sumali sa kalakalan.GALYONG MAGALLANES
- 26Ang galyong umalis sa Maynila noong 1811 at nakabalik lamang noong 1815.GALYONG MAGALLANES
- 27Mga Imaheng Buhat sa Mexico na dumaan sa Kalakalang Galyon1. Our Lady of Peace and Good Voyage, Antipolo
2. Nazarenong Itim, Quiapo
3. Our Lady of Guadalupe, Pagsanjan - 28Mga Naging Impluwensya ng Kalakalan sa Buhay ng Mga Pilipino (1 - 2)Pagdating ng iba't ibang tradisyon tulad ng:
1. Pagpapabasbas ng mga hayop at halaman sa pari
2. Paglalagay ng mga belen sa tahanan tuwing Pasko - 29Mga Naging Impluwensya ng Kalakalan sa Buhay ng Mga Pilipino (3 - 4)3. Paggamit ng mga instrumentong gaya ng gitara, plawta, tambol, trumpeta, at biyolin
4. Pagpapakilala ng mga sayaw na curacha at pandanggo sa sambalilo - 30Ng Ginawang Pang-ekonomiko ni Jose Basco y Vargas sa PilipinasNagsumikap mapaunlad ang kabuhayan ng bansa upang makapagsarili at hindi umaasa sa tulong ng Espanya at Mexico.
- 31Mga Patakarang Pangkabuhayan ni Jose Basco y Vargas1. Pangkalahatang Pangkabuhayang Plano (PPP)
2. Sociedad Economica de los Amigos del Pais (Pangkabuhayang Samahan ng Mga Kaibigan ng Bayan)
3. Monopolyo ng Tabako
4. Real Compania de Filipinos - 32Itinatag upang mahikayat ang mga tao sa pagtatanim ng bulak at pampalasa; magmina ng ginto, bakal, at tanso; at lumikha ng mga bagong imbensyon. Dahil dito binibigyan ng gantimpala ang mga nangunguna.PANGKALAHATANG PANGKABUHAYANG PLANO (PPP)
- 33Mga Epekto ng Pangkalahatang Pangkabuhayang Plano (PPP)1. Ipinagbawal ang pagsamsam ng mga nagpautang ang mga lupang pansakahan, kalabaw, at iba pang kagamitan sa pagsasaka.
2. Ipinagbawal ang pag-aresto at pagpapakulong sa mga magsasaka sa panahon ng anihan. - 34Bahagi ng PPP na itinatag noong April 26, 1781SOCIEDED ECONOMICA DE LOS AMIGOS DEL PAIS (PANGKABUHAYANG SAMAHAN NG MGA KAIBIGAN NG BAYAN)
- 35Mga Ginampanan Ng Sociedad Economica de los Amigos del Pais (Pangkabuhayang Samahan ng Mga Kaibigan ng Bayan) (1 - 5)1. Pagluluwas ng indigo sa Europa
2. Pagbili ng ibong martinez mula sa Tsina
3. Pagbibigay ng libreng pag-aaral
4. Pag-aangkat ng mga bagong makinarya sa pagkiskis ng palay
5. Pagbibigay ng gantimpala sa ilang natatanging Pilipinong imbentor noong panahong iyon - 36Mga Ginampanan ng Sociedad Economica de los Amigos del Pais (Pangkabuhayang Samahan ng Mga Kaibigan ng Bayan) (6 - 7)6. Pagtatatag ng unang paaralang agrikultural sa Maynila
7. Pagpapasimula ng pagtatanim ng tsaa, bulak, poppy (pinagkatasan ng opyo) at puno ng mulberry. - 37Monopolyo na itinatag ni Basco noong Marso 1, 1782MONOPOLYO NG TABAKO
- 38Ang maaaring itanim sa mga lalawigan ng Cagayan, Nueva Ecija, Marinduque, at Ilocos sa Monopolyo ng Tabako.TABAKO LAMANG
- 39Ang Alituntunin ng Monopolyo ng Tabako sa Mga Pilipino1. Bawat pamilya ay may kota na dapat anihin sa loob ng isang taon.
2. May multa o kabayaran sa mga hindi makatutupad.
3. Ang pamahalaan lamang ang may karapatang bumili ng mga tabako. - 40Ang Tagal ng Monopolyo ng Tabako100 TAON
- 41Mga Epekto ng Monopolyo ng Tabako (1 - 3)1. Malaki ang kita ng pamahalaan
2. Nakilala ang Pilipinas na pinakamagaling sa produktong tabako
3. Nagdulot ng kagutuman sa maraming Pilipino dahil nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain - 42Mga Epekto ng Monopolyo ng Tabako (4 - 5)4. Natutong manigarilyo ang mga Pilipino
5. Nagdulot ng pagmamalabis ng mga opisyal na lalong nagpahirap sa mga Pilipino - 43Korporasyong itinatag noong Marso 10, 1785REAL COMPANIA DE FILIPINAS
(ROYAL COMPANY OF THE PHILIPPINES) - 44Ang Layunin ng Real Compania de Filipinas o Royal Company of the Philippines.Itaguyod ang kalakalan sa pagitan ng Espanya at Pilipinas at mapaunlad ang industriya at agrikultura ng bansa.
- 45Ang Kinahinatnan ng Real Compania de FilipinasNagtagumpay ang unang bahagi ng kalakalan ngunit nalugi rin ito dahil sa mahinang pangangasiwa ng mga pinuno.
- 46Araw na nabuwag ang kompanya at nagkaroon ng malayang kalakalan.SETYEMBRE 6, 1834
- 47Ang Dahilan ng Pagkabigo ng Mga Patakaran ni BascoHindi makatarungan ang pagpapatupad ng ilang pinuno sa mga ito.
Information
- Description
- Araling Panlipunan (Kab. III: Pagbabagong Kultural sa Pamahalaang Kolonyal) Flashcards on Gr5_AP_Aralin 14: Patakarang Pangkabuhayan (Ekonomiya) ng mga Espanyol, created by Rose Tabije on 25/01/2020.
- Created by
- Rose Tabije
- Views
- 2,020
- Tags
- Rating