¡GoConqr estrena diseño! Cuéntanos qué te parece.

Fichas

Gr6_AP_Aralin 3: Mga Pangyayari at Kilusang Nagpausbong sa Damdaming Nasyonalismo

Rose Tabije Araling Panlipunan Inglés 67 fichas

Fichas del conjunto (67)

  1. 1Mga paring kabilang sa alinmang relihiyosong orden gaya ng mga Dominikano, Agustino, Heswita, at iba pa.PARING REGULAR
  2. 2Mga paring pumunta sa Pilipinas upang magpalaganap ng relihiyong Katoliko at kalauna'y namuno sa mga itinatag nilang parokya.PARING REGULAR
  3. 3Mga paring Pilipinong sinanay at pinag-aral pero hindi kabilang sa mga relihiyosong orden.PARING SEKULAR
  4. 4Ang Dahilan ng Pagkakaroon ng Mga Pilipinong Paring Sekular sa PilipinasMatinding kakulangan sa mga pari
  5. 5Ang Dahilan ng Pag-usbong ng Kilusan para sa Sekularisasyon ng Mga ParokyaPumalag ang mga paring regular sa pamumuno ng mga Pilipinong paring sekular sa mga parokya kaya't binawi ang mga parokya bagay na hindi nagustuhan ng mga Pilipinong pari. Dito nabuo ang Kilusang Sekularisasyon na pinamunuan ni Padre Pedro Pelaez.
  6. 6Isang pag-aalsa noong 1872 na kinasangkutan ng mga sundalo at mga manggagawa sa arsenal ng Cavite.ANG PAG-AALSA SA CAVITE
    (The Cavite Mutiny)
  7. 7Ang pag-aalsang madaling nasugpo at naging makasaysayan sapagkat ito ang naging batayan upang isakdal at bitayin ang tatlong paring martir na idinawit lamang.ANG PAG-AALSA SA CAVITE
    (The Cavite Mutiny)
  8. 8Ang tatlong paring masigasig na nakipaglaban para sa layunin ng Kilusang Sekularisasyon at pinagbintangang namuno sa pag-aalsa sa Cavite. (GOM - BUR - ZA)1. Padre Mariano GOMez
    2. Padre Jose BURgos
    3. Padre Jacinto ZAmora
  9. 9Ang Nangyari sa Tatlong Paring Pinagbintangang Namuno sa Pag-aalsaAgad na nilitis at binitay sa pamamagitan ng garrote
  10. 10Petsa ng Pagbitay sa Tatlong PariPEBRERO 17, 1872
  11. 11Lugar ng Pinagbitayan sa Tatlong PariBAGUMBAYAN
    (Rizal Park)
  12. 12Ang Resulta ng Pagbitay sa Tatlong Paring MartirGinawa ito ng mga Espanyol para matakot ang mga mag-aalsa pero lalo itong nagpaalab at nagpabuklod sa mga Pilipinong magkaisa laban sa kanila
  13. 13Kilusang itinatag o umusbong mula sa Kilusang Sekularisasyon at Pagbitay sa Tatlong Paring MartirKILUSANG PROPAGANDA
  14. 14Taong itinatag ang Kilusang Propaganda1882
  15. 15Kilusang naghangad ng pagkakaroon ng reporma o pagbabago sa katayuan ng mga Pilipino sa lipunanKILUSANG PROPAGANDA
  16. 16Ang samahang gumamit ng panulat, papel, at karunungan upang maipaabot ang kanilang karaingan sa mga kinauukulan sa mapayapang paraan upang maiwasan ang pagdanak ng dugo.KILUSANG PROPAGANDA
  17. 175 Layunin ng Kilusang Propaganda (1 - 3)1. Maging pantay ang mga Espanyol at Pilipino sa harap ng batas
    2. Maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
    3. Magkaroon ng kinatawang Pilipino sa Cortes ng Espanya
  18. 185 Layunin ng Kilusang Propaganda (4 - 5)4. Italaga ang mga Pilipinong pari sa mga parokya
    5. Magkaroon ng karapatang pantao ang mga Pilipino
  19. 19Ang tawag sa mga kasapi ng Kilusang PropagandaPROPAGANDISTA
  20. 20Ang Paglalarawan sa Mga PropagandistaMga matatapang na sumulat ng mga artikulong naglalaman ng pang-aabuso ng mga Espanyol at ang kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino
  21. 21Unang Punong-Patnugot ng La SolidaridadGRACIANO LOPEZ JAENA
  22. 22Mahusay na orador o mananalumpati at manunulat na may akda ng Fray Botod, Esperanza, at La Hija del Fraile na tumutuligsa sa katiwalian ng mga prayle.GRACIANO LOPEZ JAENA
  23. 23Propagandista na gumamit ng pangalang Laong-laan at Dimasalang sa kanyang pagsulat sa kilusan.JOSE RIZAL
  24. 24Siya ang may-akda sa dalawang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na tumuligsa sa katiwalian sa panahon ng mga Espanyol.JOSE RIZAL
  25. 25Ang pinaghandugan ni Jose Rizal sa nobelang El Filibusterismo na lalong nagpagising sa damdaming makabansa ng mga Pilipino.GOMBURZA
  26. 26Tinaguriang pinakadakilang manunulat ng Kilusang Propaganda at isang mahusay na manananggol.MARCELO H. DEL PILAR
  27. 27Bumuo sa "Diariong Tagalog"MARCELO H. DEL PILAR
  28. 28Propagandistang gumamit ng pangalang Plaridel sa kanyang pagsulatMARCELO H. DEL PILAR
  29. 29May akda sa "Dasalan at Tocsohan", "Caiigat Cayo", at "Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas", at iba pa.MARCELO H. DEL PILAR
  30. 30Opisyal na pang-araw-araw na pahayagan ng Kilusang Propaganda na tumutuligsa sa katiwalian ng mga EspanyolDIARIONG TAGALOG
  31. 31Panulat na Pangalan ng Propagandistang si Antonio LunaTAGA-ILOG
  32. 32Panulat na Pangalan ng Propagandistang si Juan LunaBUAN
  33. 33Panulat na Pangalan ng Propagandistang si Jose Ma. PanganibanJOMAPA
  34. 34Panulat na Pangalan ng Propagandistang si Mariano PonceTIKBALANG, NANING, at KALIPULAKO
  35. 35Samahang itinatag at binubuo ng mga Pilipino at Espanyol na may layuning magkaroon ng pagbabago.ASOCIACION HISPANO-FILIPINO
    (Kapisanang Espanyol-Filipino)
  36. 36Taong itinatag ang Asociacion Hispano-Filipino1889
  37. 374 Layunin ng Asociacion Hispano-Filipino (WIK/ES - BU/LU - DA/RI - PA/SE, BANG/AG)1. Pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng paaralan sa Pilipinas
    2. Pag-aalis ng mga buwis sa lupa at simbahan
    3. Pagpapagawa ng mga daan at riles
    4. Pagtatayo ng paaralang sekundarya sa mga lalawigan at mga bangkong pang-agrikultura at iba pa.
  38. 38Dahilan ng Bigong Pag-usad ng Samahang Asociacion Hispano-Filipino1. Problemang pampamunuan
    2. Kakulangan sa pananalapi
  39. 39Samahang itinatag ni Jose Rizal nang siya ay magbalik sa PilipinasLA LIGA FILIPINA
  40. 40Taong itinatag ang La Liga Filipina1892
  41. 41Isang mapayapang samahang nagsasabing ang sinumang Pilipinong nagmamahal sa bansa ay maaaring umanib.LA LIGA FILIPINA
  42. 42Mga Layunin ng La Liga Filipina (1 - 3)1. Pag-isahin ang mga Pilipino
    2. Tulong-tulong na maipagtanggol ng mga Pilipino ang sarili laban sa mga karahasan at pang-aabuso ng mga Espanyol
    3. Mahadlangan ang mga gawaing nakapipinsala at walang katarungan.
  43. 43Mga Layunin ng La Liga Filipina (4 - 5)4. Mapaunlad ang sistema ng edukasyon, pagsasaka, at pangangalakal sa bansa.
    5. Mag-aral at magsagawa ng mga reporma.
  44. 44Mga Kilalang Kasapi ng La Liga Filipina1. Andres Bonifacio
    2. Apolinario Mabini
  45. 45Ang Dahilan ng Pagdakip at Pagpapatapon kay Jose Rizal sa DapitanIkinatakot ng pamahalaang Espanyol ang pagdami ng mga kasapi sa La Liga Filipina na itinatag ni Jose Rizal
  46. 46Petsa ng pagdakip kay Jose RizalHulyo 1892
  47. 47Ang Dahilan ng Paghina at Tuluyang Pagwawakas ng La Liga FilipinaAng pagdakip at pagpapatapon kay Jose Rizal
  48. 485 Dahilan ng Pagkabigo ng Kilusang Propaganda1. Kawalan ng pagkakaisa ng mga kaanib
    2. Kakulangan ng pondo
    3. Ang kalagayang pampolitika ng Espanya
    4. Personal na problema ng mga repormista tulad ng pagkakasakit at kahirapan
    5. Pagkamatay
  49. 49Samahang itinatag ni Andres BonifacioKATIPUNAN O KKK
    (KATAAS-TAASAN, KAGALANG-GALANGANG KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN)
  50. 50Petsa ng Pagkakatatag ng KKKHULYO 7, 1892
  51. 51Tawag sa Mga Kasapi ng KatipunanKATIPUNERO
  52. 52Ilan sa Mga Kilalang Katipunero1. Deodato Arellano
    2. Ladislao Diwa
    3. Teodoro Plata
    4. Valentin Diaz
    5. At iba pa
  53. 53Pangunahing Mithiin ng Katipunan (KKK)Ganap na kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng rebolusyon o paghihimagsik gamit ang mga armas.
  54. 54Isa sa Mga Layunin ng Katipunan (KKK)Pagtuturo at pag-aaral ng kagandahang asal
  55. 55Isinilang sa Tondo, Maynila at tinawag na "Ama o Supremo ng Katipunan"ANDRES BONIFACIO
  56. 56Laking mahirap, maagang naulila, mag-isang itinaguyod ang mga nakababatang kapatid.ANDRES BONIFACIO
  57. 57Hindi nakapag-aral ngunit natutong magbasa. Dahil sa nobela ni Rizal at iba pa, nabuksan ang damdaming makabayan.ANDRES BONIFACIO
  58. 58Ang Sinulat ni Andres Bonifacio na Nagsilbing Isa sa Mga Gabay na Aral ng SamahanDEKALOGO NG KATIPUNAN
  59. 59Ang sumulat sa "Kartilya ng Katipunan" na naging isang gabay ng Katipunan na may sagisag na Dimasilaw at Pingkian.EMILIO JACINTO
  60. 60Kilala siya bilang "Utak ng Katipunan" at nagsilbing tagapayo ng samahan.EMILIO JACINTO
  61. 61Ang naging patnugot ng pahayagang "Kalayaan".EMILIO JACINTO
  62. 62Ang opisyal na pahayagan ng Katipunan na inilathala sa una't huling pagkakataon noong Marso 1896.KALAYAAN
  63. 63Ang tawag sa mga pinakamataas na kaanib ng Katipunan.BAYANI
  64. 64Ang hudyat (password) ng mga kinikilalang pinakamataas sa samahan o mga "Bayani".RIZAL
  65. 65Ang hudyat (password) ng mga "Kawal", ang pangalawang pinakamataas sa Katipunan.GOMBURZA
  66. 66Aang hudyat (password) ng mga "Katipon", ang pinakamababang grupo ng Katipunan.ANAK NG BAYAN
  67. 67Ang Pamamaraan ng Pangangalap ng Miyembro ng KatipunanAng bawat kasapi ay dapat maghanap ng bagong kasaping hindi bababa sa dalawa.

Información

Descripción
(Kab I: Kinalalagyan ng Pilipinas@Malayang Kaisipan sa Mundo) Araling Panlipunan Fichas sobre Gr6_AP_Aralin 3: Mga Pangyayari at Kilusang Nagpausbong sa Damdaming Nasyonalismo, creado por Rose Tabije el 17/10/2020.
Creado por
Rose Tabije
Visitas
932
Valoración

Escríbenos

¿Sobre qué es tu mensaje?

¿Qué te parece el nuevo diseño?

¿Te gusta?