GoConqr hat ein neues Design! Sag uns, wie es dir gefällt.

Karteikarten

Gr5_AP_Aralin 9: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas (Encomienda, Tributo, at Polo y Servicios)

Rose Tabije Araling Panlipunan Englisch 32 Karten 3.673 Aufrufe

Karten in diesem Stapel (32)

  1. 1Ang paghahati ng lupain ng bansa sa mas maliit na yunit.SISTEMANG ENCOMIENDA
  2. 2Lupang ipinagkaloob ng hari ng Espanya bilang gantimpala sa matapat na mga mananakop na Espanyol.ENCOMIENDA
  3. 3Tawag sa namumuno sa encomienda.ENCOMENDERO
  4. 4Siya ang binigyang karapatang mangolekta ng buwis at may tungkuling mangalaga sa kapakanan ng kanyang nasasakupan.ENCOMENDERO
  5. 5Taong ipinatupad ang batas hinggil sa paniningil ng buwis sa Pilipinas.1571
  6. 6Ang paglikom ng salapi na kakailanganin sa pagpapatakbo ng pamahalaan.PAGBUBUWIS
  7. 7Buwis ng pagkamamamayan.TRIBUTO
  8. 8Buwis na sinisingil na katumbas ng walong (8) reales o piso na maaaring bayaran ng pera o produktong gaya ng ginto, tela, bulak, at bigas.TRIBUTO
  9. 9Buwis na itinaas sa halagang labindalawang (12) reales noong 1851.TRIBUTO
  10. 10Ang ipinalit sa tributo noong 1884.CEDULA PERSONAL
  11. 11Ang Mga Napapailalim sa Cedula PersonalLahat na may edad labingwalo (18) pataas ay kailangang kumuha at magbayad ng sedula bilang tanda ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino at pagtanggap sa kapangyarihan ng Espanya.
  12. 12Ang Mga Ligtas sa Pagbabayad sa Buwis1. Mga kasapi ng Principalia, at
    2. Mga katutubong naglilingkod sa pamahalaan at Simbahan.
  13. 13Ang Resulta ng Paniningil ng BuwisMaganda ang layunin ng paniningil ng buwis subalit ang nagpahimagsik sa mga ninuno ay ang pang-aabuso ng mga nangongolekta na kadalasan ay sobrang maningil at ang sapilitang pagkumpiska sa kanilang mga produkto.
  14. 14Ang Epekto ng Pananakop sa Mga May-ari ng LupaSila'y naging kasama o nangungupahan na lamang sa lupang pagmamay-ari at sinasaka nila.
  15. 15Ang May-ari ng Lupa na Kadalasang EspanyolHACIENDERO
  16. 16Ang Pagbabahagi ng Haciendero at Kasama1. Ang kontribusyon ng haciendero ay ang kanyang lupa lamang.
    2. At ang kasama - ang pagtatanim, kasama na ang mga kagamitan, hayop, at pataba.
  17. 17Ang Hatian ng Ani sa Pagitan ng Haciendero at KasamaPANTAY O 50/50
  18. 18Ang Reaksiyon ng mga Pilipino sa Sistemang KasamaTinutulan ito ng maraming Pilipino dahil sa mga abuso at lalong nabaon sila sa pagkakaalipin.
  19. 19Tinatawag ding sapilitang paggawa.POLO Y SERVICIOS
  20. 20Ang Mga Napapailalim sa Polo y ServiciosLahat ng kalalakihang edad 16 hanggang 60 taong gulang na may kakayahang magtrabaho at maglingkod sa mga pagawaan ng pamahalaang Espanyol.
  21. 21Tawag sa Mga Naglilingkod sa Polo y ServiciosPOLISTA
  22. 22Mga Kadalasang Ginagawa ng Mga Polista1. Pagtatayo ng mga tulay,
    2. Pagtatayo ng mga simbahan, at
    3. Paggawa o pagkukumpuni ng barkong galyon.
  23. 23Ang Haba ng Polo y ServiciosAng mga polista ay nagtatrabaho ng apatnapung (40) araw sa pamahalaan pero noong 1884, ibinaba ito sa labinlimang (15) araw na lamang.
  24. 24Iba Pang Ipinagawa sa Mga PolistaAng ibang polista ay isinama sa pakikidigma sa mga Muslim at sa mga ekspedisyon sa ibang lugar.
  25. 25Multa na ibinabayad bilang kapalit sa hindi paglilingkod sa polo.FALLA
  26. 26Ang Mga Ligtas sa Polo y Servicios1. Mga may katungkulan sa pamahalaan gaya ng gobernadorcillo, cabeza de barangay, at
    2. Iba pang miyembro ng principalia.
  27. 27Ang Resulta ng Polo y ServiciosNagdulot ito ng pang-aapi at pang-aabuso kaya hanggang ngayon ay mababa ang tingin ng mga Pilipino sa mga gawaing manwal o blue-collar job.
  28. 28Isa sa Mga Pag-aalsa Laban sa PoloPag-aalsa ni Sumuroy sa Samar noong 1649 at 1650.
  29. 29Sapilitang pagbili ng pamahalaang Espanyol sa mga produkto ng mga magsasaka.SISTEMANG BANDALA
  30. 30Paraan ng Pagsagawa ng Bandala1. Bawat lalawigan ay binigyan ng takdang dami ng mga produktong ipagbibili sa pamahalaan.
    2. Ang mga produkto ay binibili ng pamahalaan sa murang halaga.
  31. 31Ang Resulta ng BandalaKadalasan, ang mga produkto ay hindi nababayaran at ang magsasaka ay nakatatanggap na lamang ng mga pangakong kasulatan (Promissory Notes).
  32. 32Isang Halimbawa ng Pagtutol ng Mga Pilipino sa BandalaNang magkaroon ng 200,000 pesos na utang ang pamahalaang Espanyol sa mga Kapampangan, umalsa sila sa pamamagitan ng hindi pagtatanim ng bigas.

Informationen

Beschreibung
Araling Panlipunan (Kab. II: Pamunuang Kolonyal ng Espanya (Ika 16 - 17 Siglo)) Karteikarten am Gr5_AP_Aralin 9: Paraan ng Pananakop ng Mga Espanyol sa Pilipinas (Encomienda, Tributo, at Polo y Servicios), erstellt von Rose Tabije am 13/11/2019.
Erstellt von
Rose Tabije
Aufrufe
3.673
Bewertung

Feedback

Worum geht es?

Wie gefällt dir das neue Design?

Dein Eindruck