Quiz
Dignidad ng Tao
This quiz has question types that open in the usual player.
Questions in this quiz (12)
11. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
- Aa. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
- Bb. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang tao.
- Cc. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
- Dd. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at espiritwal.
22. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
- Aa. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan.
- Bb. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya.
- Cc. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito.
- Dd. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig.
33. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
- Aa. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
- Bb. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
- Cc. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.
- Dd. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
44. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
- Aa. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
- Bb. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
- Cc. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
- Dd. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.
5 Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na- Aa. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na.
- Bb. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong.
- Cc. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan.
- Dd. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba.
66. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito nagmumula. Ang pangungusap ay:
- Aa. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa lipunan.
- Bb. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
- Cc. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
- Dd. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaaan.
77. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
- Aa. Kapag siya ay naging masamang tao.
- Bb. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.
- Cc. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao.
- Dd. Wala sa nabanggit.
88. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
a. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.- Aa. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
- Bb. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa.
- Cc. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala.
- Dd. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi sa karangalan bilang tao.
99. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?
- Aa. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
- Bb. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
- Cc. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.
- Dd. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao.
1010. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
a. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.- Aa. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
- Bb. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya.
- Cc. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay.
- Dd. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.
11Ilarawan ang bansa kung mananatiling hindi mapngangalagaan ang dignidad ng mga taong maliliit sa lipunan.

- AIpaliwanag.
12Paano ka makatutulong upang mapangalagaan ang dignidad ng iyong kapwa?

- AIpaliwanag.
Information
- Description
- Piliin ang letra ng tamang sagot at sagutin ang mga katanungan.
- Author
- MARICE ALYSSA PONFERRADA
- Language
- English
- Views
- 155
- Rating
- No ratings yet Rate this quiz