¡GoConqr estrena diseño! Cuéntanos qué te parece.

Fichas

Gr5_AP_Aralin 11: Ang Panahanan at Katayuan ng Mga Pilipino sa Lipunan sa Panahon ng Mga Espanyol.

Rose Tabije Araling Panlipunan Inglés 58 fichas 2.425 visitas

Fichas del conjunto (58)

  1. 1Sistemang itinatag para maging organisado ang panahanan ng mga sinaunang Pilipino. Sistemang nagbigay-daan sa isang sentralisadong pamahalaan.SISTEMANG REDUCCION
  2. 2Uri ng pamahalaang itinatag at pinamumunuan ng gobernador-heneral na namumuno sa buong Pilipinas.SENTRALISADONG PAMAHALAAN
  3. 3Pinakamaliit na yunit ng pamahalaan.BARANGAY
  4. 4Binubuo ng pinagsama-samang barangay.PUEBLO
    O
    BAYAN
  5. 5Binubuo ng pinagsama-samang pueblo o bayan.LALAWIGAN
  6. 6Mga Pagbabago sa Panahanan ng Mga Pilipino Noong Panahon ng Mga Espanyol1. Ang mga bahay na dating yari sa kahoy at pawid ay naging bato o tisa.
    2. Ang mga bintana ay malalaki at may rehas.
    3. May mga silid, sala, komedor, at balkonahe/asotea, at batalan.
  7. 7Ang Kinajinatnan ng Mga Bahay Kubo Noong Panahon ng Mga EspanyolMay mga bahay kubo pa rin noon dahil hindi lahat ng lugar sa bansa ay nasakop ng mga Espanyol sa sobrang layo o liblib ng lugar.
  8. 8Ang unang obispo at unang nagpagawa ng isang gusaling yari sa bato sa Pilipinas.PADRE DOMINGO SALAZAR
  9. 9Ang Pagbabago sa Panlipunang Pamumuhay ng Mga Pilipino Bunga ng Paglaganap ng Kristiyanismo o Katolisismo sa BansaHigit na naituro sa mga mamamayan ang kahalagahan ng pamilya at maging ang gampanin ng bawat kasapi nito.
  10. 10Ang haligi at ulo ng tahanan. Tagapagtaguyod ng seguridad at kaligtasan ng buong pamilya.AMA
  11. 11Ang itinuturing na ilaw ng tahanan. Ang nakakaalam ng lahat ng mga gawaing-bahay.INA
  12. 12Ang nagsisilbing tagapag-ingat sa lahat ng kayamanan at mga katangian at nagsisilbing ng mga anak.INA
  13. 13Ang itinuturing na biyaya mula sa Maykapal. Ang tinuturuan at sinasanay na maging magalang at masunurin sa magulang.MGA ANAK
  14. 14Ang anak na sinasanay ng ama sa paghahanapbuhay.ANAK NA LALAKI
  15. 15Ang anak na tinuturuan sa mga gawaing-bahay.ANAK NA BABAE
  16. 16Ang Mga lba't-ibang Antas ng Mga Naninirahan sa Pilipinas (Mga Dugong Espanyol) Noong Panahon ng Mga Espanyol1. Peninsulares
    2. Insulares/Criollo
    3. Mestizo
    4. Gitnang-uri
  17. 17Mga Espanyol na isinilang sa Espanya pero sa Pilipinas naninirahan. Ang kinikilalang may pinakamataas na katayuan sa lipunan.PENINSULARES
  18. 18Mga Espanyol na isinilang at naninirahan sa Pilipinas. Ang pumapangalawa sa mga Peninsulares sa katayuan sa lipunan.INSULARES
  19. 19Ang lahing nabuo mula sa mga magulang na katutubong Pilipino at ibang lahi tulad ng Tsino o Espanyol.MESTIZO
  20. 20Ang pangkat ng mga taong nagkaroon ng maayos na pamumuhay kaya nakapagpag-aral ng kanilang mga anak sa Pilipinas o maging sa Europa.MGA GITNANG-URI
  21. 21Binubuo ng mga negosyante, doctor, guro, manunulat, at mga may-ari ng lupa.MGA GITNANG-URI
  22. 22Tawag sa mga Pilipinong nakapag-aral sa ibang bansa.ILUSTRADO
  23. 23Sa hanay ng mga Pilipino , sila'y itinuring na kapantay ng mga mestizo noon. Sila ay kabilang sa mataas na antas sa lipunan na nagtatamasa ng mga pribilehiyo at mga karapatan.PRINCIPALIA
  24. 24Kinabibilangan ng angkan ng mga dating datu at maharlika, mga lokal na opisyal, mga mamamayang mangangalakal o haciendero sa bansa.PRINCIPALIA
  25. 25Ang pangkat ng mga tagapangasiwa ng lupa ng hindi nila pag-aari.INQUILINO
  26. 26Sila ay nabigyan ng pagkakataong umupa ng mga taong makatutulong sa paglinang ng lupa kaya't angat sila ng konti sa mga karaniwang tao.INQUILINO
  27. 27Bumubuo sa higit na malaking bahagdan ng tao sa lipunan at kakaunti ang tinatamasang karapatan at pribilehiyo. Binubuo ng mga manggagawa at mga magsasaka.KARANIWANG TAO
    O
    INDIO
  28. 28Sila ay mga katutubong Pilipinong itinuturing ng mga Espanyol na mababang-uri ng tao sa lipunan. Nagkaroon ng negatibong kahulugan na ibig sabihin ay tamad, mangmang, at alipin.INDIO
  29. 29Ang itinuturing na Pilipino noong panahon ng mga Espanyol bago itinuring na rin ang mga Indio.INSULARES
  30. 30Ang Mga lba't-ibang Antas ng Mga Naninirahan sa Pilipinas (Mga Dugong Pilipino) Noong Panahon ng Mga Espanyol1. Principalia
    2. Inquilino
    3. Mga Karaniwang Tao o Indio
  31. 31Ang Kalagayan ng Mga Babae sa Lipunan Noong Panahon ng Mga Espanyol (1 - 2)1. Lalong tumaas ang kanilang katayuan sa lipunan sapagkat sila'y nirerespeto ng lahat ng mga kalalakihan.
    2. Malaya silang nakalalahok sa mga gawain sa pangangalakal.
  32. 32Ang Kalagayan ng Mga Babae sa Lipunan Noong Panahon ng Mga Espanyol (3 - 4)3. Ang mga babaeng walang asawa ay lubos na iniingatan. Mayroon silang kasama o taga-bantay sa mga pagtitipon.
    4. Hindi sila basta-basta maaring makihalubilo sa mga kalalakihan.
  33. 33Isang bidang babae sa nobela ni Dr. Jose Rizal na nagpapakita ng kalagayan at katangian ng isang babaeng Pilipina noong panahon ng mga Espanyol. Babaeng iginagalang at minamahal ng marami, mahinhin, malambing, at tunay na maka-Diyos.MARIA CLARA
  34. 34Ang Edukasyon ng Mga Babae Noong Panahon ng Mga EspanyolSila ay hindi maaaring makapag-aral sa mga unibersidad at makakuha ng kursong abogasya, medisina, at iba pa ngunit binigyan sila ng pagkakataong makapag-aral sa mga kolehiyo at beateriong eksklusibong para sa kababaihan.
  35. 35Dalawang Uri ng Paaralan Para sa Mga Kababaihan1. KOLEHIYO
    2. BEATERIO
  36. 36Regular na paaralan para sa mga kababaihan.KOLEHIYO
  37. 37Ang Mga Itinatag na Kolehiyo Para sa Kababaihan sa Pilipinas1. Colegio de Santa Potenciana (1589)
    2. Colegio de Santa Isabel (1632)
    3. Colegio de Santa Rosa (1750)
    4. Colegio de la Concordia (1868)
    5. Assumption Convent (1892)
  38. 38Ang unang kolehiyo para sa mga babae na itinatag noong 1589.COLEGIO DE SANTA POTENCIANA
  39. 39Ang pinakamatandang kolehiyo ng mga babae sa Pilipinas.COLEGIO DE SANTA POTENCIANA
  40. 40Taong pinagsanib ang Colegio de Santa Isabel at Colegio de Santa Potenciana.1866
  41. 41Ang Mungkahi Para sa Mga Kababaihang Walang Balak Mag-asawaBinibigyan ng pagkakataong magmadre at iaalay ang kanilang buhay at panahon sa Diyos.
  42. 42Ang paaralang eksklusibo para sa mga kababaihan na ang karaniwang itinuturo ay ang pagluluto, pagbuburda, pagsunod sa kagandahang asal, at musika.BEATERIO
  43. 43Ang Mga Itinatag na Beaterio Para sa Mga Kababaihan sa Pilipinas1. Beaterio de la Compania de Jesus (1684)
    2. Beaterio de Santa Catalina (1696)
    3. Beaterio de San Sebastian (1719)
  44. 44Ang beateriong itinatag sa pangunguna ng madre na si Mother Ignacia del Espiritu Santo na kilala ngayon bilang Saint Mary's College sa Lungsod ng Quezon.BEATERIO DE LA COMPANIA DE JESUS
  45. 45Ang Edukasyon sa Pilipinas Noong Panahon ng Mga EspanyolNoong unang panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ang mga Pilipino ay walang karapatang mag-aaral sa mga paaralang Espanyol.
  46. 46Isang dekreto o batas na ipinalabas noong 1863 tungkol sa pagbubukas ng mga paaralang pampubliko para sa kalalakihan at iba pang paaralang pampubliko para sa kababaihan.Education Decree of 1863
  47. 47Ang Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos Maipalabas ang Education Decree of 1863 (1 - 2)1. Magkaiba ang paaralan ng kalalakihan at kababaihan.
    2. Ang pamahalaan ang siyang namuno sa mga pampublikong paaralan para sa lahat Espanyol o Pilipino, mayaman o mahirap.
  48. 48Ang Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos Maipalabas ang Education Decree of 1863 (#3)3. Nagkaroon ng paaralang normal na nagsasanay sa mga lalaki na nais maging guro Ang kurso ay tinatapos sa loob ng tatlong taon. Ang mga nagtatapos na guro ay hinihirang na maging guro sa mga paaralang-bayan.
  49. 49Ang Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos Maipalabas ang Education Decree of 1863 (#4)4. Noong 1892, nagpalabas ng dekreto sa pagkakatatag ng paaralang normal para sa mga babae na pinamamahalaan ng mga madre ng Assumption.
  50. 50Ang Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos Maipalabas ang Education Decree of 1863 (#5)5. Nagkaroon din ng mga paaralang bokasyonal na nagturo ng tamang paraan ng pagtatanim, pagkakarpintero, at pagpipinta para sa mga lalaki at pananahi at pagbuburda para sa mga babae.
  51. 51Ang Mga Pagbabago sa Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos ng Panahon ng Kolonyang Espanyol (1 - 2)1. Hanggang ngayon ay may mga paaralan pa ring eksklusibo para sa mga lalaki at babae lamang.
    2. Pinapayagan ngayong mag-aaral ang mga babae sa unibersidad.
  52. 52Ang Mga Pagbabago sa Edukasyon sa Pilipinas Pagkatapos ng Panahon ng Kolonyang Espanyol (#3)3. Ang Unibersidad ng Santo Tomas na dati'y panlalaki lamang ay tumatanggap na rin ng mga mag-aaral na babae at lalaki.
  53. 53Balkonahe ng bahay na kalimitang yari sa bato o kongkreto.ASOTEA
  54. 54Matinding pagmamahal sa bayan.NASYONALISMO
  55. 55Uri ng paaralang pinamamahalaan ng pamahalaang bukas para sa lahat ng mamamayan at walang bayad.PAARALANG PAMPUBLIKO
  56. 56Parte ng bahay kubo na pinagpapaliguan at pinaghugasan ng mga kagamitan.BATALAN
  57. 57Isang uri ng kurso o pag aaral na may kaugnayan sa prinsipyo o kaisipan ng katotohanan at kalayaan ng buhay.PILOSOPIYA
  58. 58Isang uri ng kurso o pag-aaral na may kaugnayan sa relihiyon o pananampalataya.TEOLOHIYA

Información

Descripción
(Kab. III: Pagbabagong Kultural sa Pamahalaang Kolonyal) Araling Panlipunan Fichas sobre Gr5_AP_Aralin 11: Ang Panahanan at Katayuan ng Mga Pilipino sa Lipunan sa Panahon ng Mga Espanyol., creado por Rose Tabije el 13/12/2019.
Creado por
Rose Tabije
Visitas
2.425
Valoración

Escríbenos

¿Sobre qué es tu mensaje?

¿Qué te parece el nuevo diseño?

¿Te gusta?