Flashcards
Mahahalagang Tauhan ng "Florante at Laura"

Cards in this deck (19)
- 1Mahahalagang Tauhan ng Florante at LauraNaging mabisa ang pagkakahabi ng mga pangyayari sa akda dahil sa mga epektibong tauhang nagbibigay-buhay at kulay sa kabuoan ng awit.


- 2Mga Tauhang Kristiyano• Menandro •Antenor
• Princesa Floresca
•Duke Briseo
•Haring Linceo • Laura
•Florante •Konde Adolfo
•Menalipo •Konde Sileno - 3MenandroMabuting kaibigan ni Florante. Naging kaklase niya sa Atenas. Nakapagligtas ng buhay ni Florante at siyang naging kanang kamay iya sa digmaan.
- 4AntenorAng mabuting guro nina Florante, Adolfo, at Menendro habang sila'y nag-aaral sa Atenas. Siya ang gurong gumabay at nagturo ng maraming bagay kay Florante.
- 5Prinsesa FlorescaAng mapagmahal na ina ni Florante, asawa ni Duke Briseo, at anak ng hari ng Krotona. Maaga niyang naulila ang anak sapagkat namatay siya habang nag-aaral pa lang si Florante sa Atenas.
- 6Duke BriseoAng butihing ama ni Florante. Kaibigan at taga-payo ni Haring Linceo
- 7Haring LinceoAma ni Laura at hari ng Albanya. Makatarungan at mabuting hari.
- 8LauraSiya'y magandang dalagang hinahangaan at hinahangad ng maraming kalalakihan tulad nina Adolfo at Emir subalit ang kanyang pag-ibig ay nananatiling laan para kay Florante.
- 9FloranteSiya ang magiting na heneral ng hukbo ng Albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian bago siya nalinlang ni Adolfo at naitapom sa gubat.
- 10Konde AdolfoIsang taksil at naging kalabang mortal ni Florante mula ng mahigitan siya nito sa husay at popularidad sa Atenas. Karibal rin siya ni Florante sa puso ni Laura.
- 11MenalipoPinsan ni Florante. Nakapagligtas sa buhay niya mula sa isang buwitre noong siya'y sanggol pa lamang.
- 12Konde SilenoAma ni Adolfo na taga-Albanya.

- 13Mga Tauhang Moro• Heneral Osmalik
•Heneral Miramolin
•Sultan Ali-Adab
•Emir
• Aladin
•Flerida - 14Heneral OsmalikMagiting na heneral ng Persiya na namuno sa pananakop sa Krotona.
- 15Heneral MiramolinHeneral ng Turkiya at namuno sa pagsalakay sa Albbanya.
- 16Sultan Ali-AdabMalupit na ama ni Aladin at siya ring naging kaagaw niya sa kasintahang si Flerida.
- 17EmirGobernador ng mga Moro na nagtangka kay Laura subalit tinanggihan ng dalaga at humatol na pugutan ng ulo ang dalaga.
- 18AladinIsang gererong Moro at prinsepe ng Persiya. Kaagaw niya ang kanyang ama na si Haring Ali-Aldab sa kasintahang si Flerida. Iniligtas niya si Florante na itinuturing na na mahigpit na kaaway ng kanilang bayan at relihiyon.
- 19FleridaKasintahan ni Aladin. Tumakas siya sa gabi ng nakatakdang kasal kay Sultan Ali-Adab upang hanapin ang kasintahan. Iniligtas niya si Laura sa kamay ni Adolfo.
Information
- Description
- Makakatulong sa higit na pag-unawa ang pagkilala sa mga tauhan at ang papel na gagampanan ng bawat isa sa walang kamatayang akdang "Florante at Laura".
- Created by
- Jellene Joyce Maulion
- Views
- 76
- Rating