Fichas
Gr5_AP_Aralin 13: Pagbabagong Pampolitika sa Panahon ng Espanyol
Fichas del conjunto (54)
- 1Konsehong gumagawa ng mga patakaran o batas para sa mga bansang sinakop ng Espanya.CONSEJO DE INDIAS
- 2Ang humawak sa pamamahala ng Pilipinas mula sa Consejo de Indias noong 1836.MINISTRO DE ULTRAMAR
- 3Taong nalipat ang pamamahala ng Pilipinas mula sa Consejo de Indias sa Ministro de Ultramar.1836
- 4Katulong ng Ministro de Ultramar sa pamamahala sa Pilipinas na nakabase sa Madrid.CONSEJO DE FILIPINAS
- 5Ang kinakatawan ng konseho sa mga kolonya ng Espanya.VICEROY
- 6Ang pamahalaang itinatag ng mga espanyol sa bansa.PAMAHALAANG SENTRALISADO
- 7Ang pinakamataas at pinakamakapangyarihang opisyal na hinirang ng hari bilang kinatawan niya sa bansa.GOBERNADOR-HENERAL
- 8Ang pinakamataas na posisyong walang itinakdang kwalipikasyon o panahon ng panunungkulan.GOBERNADOR-HENERAL
- 9Mga Pangunahing Kapangyarihan ng Isang Gobernador-Heneral1. Kapangyarihang Panlehislatura
2. Kapangyarihang Pang-ehekutibo
3. Kapangyarihang Panghudisyal - 10Kapangyarihang hindi ipatupad ang batas ng hari lalo na kung ang batas ay hindi angkop para sa pangangailangan ng kolonya.CUMPLASE
- 11Mga Iba pang Kapangyarihang Taglay ng Gobernador-Heneral (1 - 3)1. Cumplase
2. Kapangyarihang humirang at mag alis ng mga opisyal.
3. Hawak niya ang pamamahala sa hukbong sandatahan. - 12Mga Iba pang Kapangyarihang Taglay ng Gobernador-Heneral (4 - 5)4. Siya ang pinakamataas na pinuno ng Real Audiencia at may karapatang magbigay ng hatol at kaparusahan at magpatawad o mag pawala ng sala.
5. Bilang Vice Real Patron, hawak niya ang buong Simbahan sa Pilipinas at may kapangyarihan pumili at mag-alis sa mga opisyal ng Simbahan. - 13Bilang ng naging Gobernador-Heneral sa Pilipinas.100
- 14Ang unang naging Gobernador-Heneral.MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI
- 15Ang huling Gobernador-Heneral ng Pilipinas.DIEGO DELOS RIOS
- 16Ang mga itinatag ng hari upang maiwasan ang mga pang-aabuso at masubaybayan ang pamamalakad ng mga Gobernador-Heneral.1. REAL AUDIENCIA
2. RESIDENCIA
3. VISITADOR - 17Kataas-taasang hukuman ng Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol.REAL AUDIENCIA
- 18Ang lumilitis sa mga pinunong patapos na ang panunungkulan at mapang-abuso sa tungkulin.REAL AUDIENCIA
- 19Ang nagbibigay ng kaparusahan na pagpapatapon o pagpapaalis sa pwesto sa nagkasalang pinuno kasama na ang Gobernador-Heneral.REAL AUDIENCIA
- 20Ang binubuo ng apat na oidor na nagsisilbing alcaldes de crimen, ang Gobernador-Heneral bilang pinakapinuno, isang piskal , isang alguacil mayor, at isang teniente de gran chanceler.REAL AUDIENCIA
- 21Sistema ng pamahalaang Espanyol kung saan ang Real Audiencia at ang bagong Gobernador-Heneral ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa panunungkulan ng pinalitang Gobernador-Heneral at kanyang mga opisyal.RESIDENCIA
- 22Ang tagal ng imbestigasyong Residencia.6 buwan
- 23Mga Parusa na Hatol ng Residencia1. Pagkasuspinde sa tungkulin,
O
2. Pagmumulta ng malaking halaga. - 24Isang tagapagsiyasat na pinadadala ng konseho upang magmasid sa kalagayan ng bansa.VISITADOR
- 25Ang gumagawa ng mga pag-uulat lalo na sa mga opisyal o pinuno ng kolonya na siyang iniuulat sa hari ng Espanya sa kanyang pagbabalik.VISITADOR
- 26Mga Gobernador-Heneral na naging mabuti at matapat sa tungkulin1. Simon de Anda
2. Jose Raon
3. Jose Basco y Vargas
4. Narciso Claveria
5. Carlos Maria dela Torre - 27Ang Ginawa sa Bansa Upang Mapadali itong Pamahalaan1. Hinati sa maliliit na yunit na nakabatay sa sistemang encomienda, at
2. Ang mga yunit ay pinamumunuan ng mga lokal na pinuno. - 28Ang ipinalit sa mapang-abusong sistemang encomienda.PAMAHALAANG PANLALAWIGAN
- 29Dalawang Uri ng Pamahalaang Panlalawigan1. ALCALDIA
2. CORREGIMIENTO - 30Ang mga kinatawan ng Gobernador-Heneral sa mga lalawigan.1. ALCALDIA
2. CORREGIMIENTO - 31Ang pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ng Alcalde Mayor sa lugar na nasakop na at kumikilala sa pamahalaang Espanyol.ALCALDIA
- 32Ang pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ng Corregidor sa lugar na hindi pa lubos na napasuko ng mga Espanyol.CORREGIMIENTO
- 33Mga Tungkulin ng Alcalde-Mayor at Corregidor.1. Punong Tagapagpaganap
2. Mangolekta ng buwis
3. Nangunguna sa gawaing panrelihiyon at pang-edukasyon. - 34Suweldo ng Alcalde-Mayor at Corregidor.DI GAANONG MALAKI
- 35Ang Pribilehiyo ng Alcalde-Mayor at Corregidor.Paglahok sa kalakalang galyon o tinatawag na Indulto de Comercio.
- 36Ang Bumubuo sa Isang LalawiganIlang pueblo o bayan
- 37Ang Pinuno ng Isang Pueblo o BayanGOBERNADORCILLO
- 38Mga Kwalipikasyon ng Isang Gobernadorcillo1. Di bababa sa 25 taong gulang.
2. Naging Tenyente-Mayor o Cabesa de Barangay. - 39Mga Tungkulin ng Gobernadorcillo1. Mangolekta ng buwis
2. Magpatupad ng batas
3. Magpanatili ng kapayapaan
4. Pangalagaan ang kalinisan at kaayusan ng Casa Tribunal. - 40Ang gusaling tinutuluyan ng mga bisita at manlalakbay sa bayan.CASA TRIBUNAL
- 41Ang Unang Paraan ng Paghahalal sa GobernadorcilloInihahalal siya ng mga mayayamang lalaki upang manungkulan ng isang taon.
- 42Ang Kapalit na Paraan sa Paghalal sa GobernadorcilloAng lupon na binubuo ng labindalawang cabeza de barangay ay inihahalal nila ang isa sa kanila na maging gobernadorcillo.
- 43Mga Pribilehiyo ng Gobernadorcillo1. Hindi pagbabayad ng buwis
2. Hindi paglahok sa polo y servicios o sapilitang paggawa. - 44Ang pinakamataas na posisyong maaaring gampanan ng isang Pilipino.GOBERNADORCILLO
- 45Ang ama ni Emilio Aguinaldo na isang halimbawa sa mga nakahawak ng posisyong Gobernadorcillo.CARLOS AGUINALDO
- 46Bumubuo sa isang pueblo o bayan. Nagmula sa hinati-hating pueblo o bayanBARANGAY
- 47Pinamumunuan ng cabeza de barangay na karaniwang raha o datu noon.BARANGAY
- 48Ang Pangunahing Tungkulin ng Isang Cabeza de BarangayManingil ng buwis
- 49Mga Pribilehiyo ng Isang Cabeza de BarangayWala siyang sweldo bagama't may pribilehiyo siyang:
1. Mapabilang sa pangkat ng principalia o aristokrasya o mga pangunahing tao sa bayan kasama ng gobernadorcillo.
2. Hindi siya nagbabayad ng buwis at di kabilang sa polo. - 50Ang naging cabeza de barangay sa gulang na 17 na labag sa batas ngunit makapangyarihan at maimpluwensya ang kanyang pamilya.EMILIO AGUINALDO
- 51Tawag sa pamahalaan ng pueblong malaki at maunlad na ginawang lungsod.AYUNTAMIENTO
- 52Pamahalaang hindi sakop ng pamahalaang panlalawigan sapagkat ito ay may sariling charter na nagtatadhana ng sariling patakaran at paraan ng pamamahala.AYUNTAMIENTO
- 53Ang Mga Namumuno sa Isang Ayuntamiento o Lungsod.ALCALDE
katulong ang
MGA KONSEHAL - 54Mga Halimbawa ng Mga Pamahalaang Lungsod1. Cebu
2. Maynila
3. Lipa
4. Albay
5. Arevalo
6. Jaro
7. Naga
8. Vigan
Información
- Descripción
- (Kab. III: Pagbabagong Kultural sa Pamahalaang Kolonyal) Araling Panlipunan Fichas sobre Gr5_AP_Aralin 13: Pagbabagong Pampolitika sa Panahon ng Espanyol, creado por Rose Tabije el 21/01/2020.
- Creado por
- Rose Tabije
- Visitas
- 2.137
- Etiquetas
- Valoración