O GoConqr está de visual novo! Conte para nós o que você achou.

Flashcards

Gr5_AP_Aralin 13: Pagbabagong Pampolitika sa Panahon ng Espanyol

Rose Tabije Araling Panlipunan Inglês 54 flashcards 2.137 visualizações

Flashcards do conjunto (54)

  1. 1Konsehong gumagawa ng mga patakaran o batas para sa mga bansang sinakop ng Espanya.CONSEJO DE INDIAS
  2. 2Ang humawak sa pamamahala ng Pilipinas mula sa Consejo de Indias noong 1836.MINISTRO DE ULTRAMAR
  3. 3Taong nalipat ang pamamahala ng Pilipinas mula sa Consejo de Indias sa Ministro de Ultramar.1836
  4. 4Katulong ng Ministro de Ultramar sa pamamahala sa Pilipinas na nakabase sa Madrid.CONSEJO DE FILIPINAS
  5. 5Ang kinakatawan ng konseho sa mga kolonya ng Espanya.VICEROY
  6. 6Ang pamahalaang itinatag ng mga espanyol sa bansa.PAMAHALAANG SENTRALISADO
  7. 7Ang pinakamataas at pinakamakapangyarihang opisyal na hinirang ng hari bilang kinatawan niya sa bansa.GOBERNADOR-HENERAL
  8. 8Ang pinakamataas na posisyong walang itinakdang kwalipikasyon o panahon ng panunungkulan.GOBERNADOR-HENERAL
  9. 9Mga Pangunahing Kapangyarihan ng Isang Gobernador-Heneral1. Kapangyarihang Panlehislatura
    2. Kapangyarihang Pang-ehekutibo
    3. Kapangyarihang Panghudisyal
  10. 10Kapangyarihang hindi ipatupad ang batas ng hari lalo na kung ang batas ay hindi angkop para sa pangangailangan ng kolonya.CUMPLASE
  11. 11Mga Iba pang Kapangyarihang Taglay ng Gobernador-Heneral (1 - 3)1. Cumplase
    2. Kapangyarihang humirang at mag alis ng mga opisyal.
    3. Hawak niya ang pamamahala sa hukbong sandatahan.
  12. 12Mga Iba pang Kapangyarihang Taglay ng Gobernador-Heneral (4 - 5)4. Siya ang pinakamataas na pinuno ng Real Audiencia at may karapatang magbigay ng hatol at kaparusahan at magpatawad o mag pawala ng sala.
    5. Bilang Vice Real Patron, hawak niya ang buong Simbahan sa Pilipinas at may kapangyarihan pumili at mag-alis sa mga opisyal ng Simbahan.
  13. 13Bilang ng naging Gobernador-Heneral sa Pilipinas.100
  14. 14Ang unang naging Gobernador-Heneral.MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI
  15. 15Ang huling Gobernador-Heneral ng Pilipinas.DIEGO DELOS RIOS
  16. 16Ang mga itinatag ng hari upang maiwasan ang mga pang-aabuso at masubaybayan ang pamamalakad ng mga Gobernador-Heneral.1. REAL AUDIENCIA
    2. RESIDENCIA
    3. VISITADOR
  17. 17Kataas-taasang hukuman ng Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol.REAL AUDIENCIA
  18. 18Ang lumilitis sa mga pinunong patapos na ang panunungkulan at mapang-abuso sa tungkulin.REAL AUDIENCIA
  19. 19Ang nagbibigay ng kaparusahan na pagpapatapon o pagpapaalis sa pwesto sa nagkasalang pinuno kasama na ang Gobernador-Heneral.REAL AUDIENCIA
  20. 20Ang binubuo ng apat na oidor na nagsisilbing alcaldes de crimen, ang Gobernador-Heneral bilang pinakapinuno, isang piskal , isang alguacil mayor, at isang teniente de gran chanceler.REAL AUDIENCIA
  21. 21Sistema ng pamahalaang Espanyol kung saan ang Real Audiencia at ang bagong Gobernador-Heneral ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa panunungkulan ng pinalitang Gobernador-Heneral at kanyang mga opisyal.RESIDENCIA
  22. 22Ang tagal ng imbestigasyong Residencia.6 buwan
  23. 23Mga Parusa na Hatol ng Residencia1. Pagkasuspinde sa tungkulin,
    O
    2. Pagmumulta ng malaking halaga.
  24. 24Isang tagapagsiyasat na pinadadala ng konseho upang magmasid sa kalagayan ng bansa.VISITADOR
  25. 25Ang gumagawa ng mga pag-uulat lalo na sa mga opisyal o pinuno ng kolonya na siyang iniuulat sa hari ng Espanya sa kanyang pagbabalik.VISITADOR
  26. 26Mga Gobernador-Heneral na naging mabuti at matapat sa tungkulin1. Simon de Anda
    2. Jose Raon
    3. Jose Basco y Vargas
    4. Narciso Claveria
    5. Carlos Maria dela Torre
  27. 27Ang Ginawa sa Bansa Upang Mapadali itong Pamahalaan1. Hinati sa maliliit na yunit na nakabatay sa sistemang encomienda, at
    2. Ang mga yunit ay pinamumunuan ng mga lokal na pinuno.
  28. 28Ang ipinalit sa mapang-abusong sistemang encomienda.PAMAHALAANG PANLALAWIGAN
  29. 29Dalawang Uri ng Pamahalaang Panlalawigan1. ALCALDIA
    2. CORREGIMIENTO
  30. 30Ang mga kinatawan ng Gobernador-Heneral sa mga lalawigan.1. ALCALDIA
    2. CORREGIMIENTO
  31. 31Ang pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ng Alcalde Mayor sa lugar na nasakop na at kumikilala sa pamahalaang Espanyol.ALCALDIA
  32. 32Ang pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ng Corregidor sa lugar na hindi pa lubos na napasuko ng mga Espanyol.CORREGIMIENTO
  33. 33Mga Tungkulin ng Alcalde-Mayor at Corregidor.1. Punong Tagapagpaganap
    2. Mangolekta ng buwis
    3. Nangunguna sa gawaing panrelihiyon at pang-edukasyon.
  34. 34Suweldo ng Alcalde-Mayor at Corregidor.DI GAANONG MALAKI
  35. 35Ang Pribilehiyo ng Alcalde-Mayor at Corregidor.Paglahok sa kalakalang galyon o tinatawag na Indulto de Comercio.
  36. 36Ang Bumubuo sa Isang LalawiganIlang pueblo o bayan
  37. 37Ang Pinuno ng Isang Pueblo o BayanGOBERNADORCILLO
  38. 38Mga Kwalipikasyon ng Isang Gobernadorcillo1. Di bababa sa 25 taong gulang.
    2. Naging Tenyente-Mayor o Cabesa de Barangay.
  39. 39Mga Tungkulin ng Gobernadorcillo1. Mangolekta ng buwis
    2. Magpatupad ng batas
    3. Magpanatili ng kapayapaan
    4. Pangalagaan ang kalinisan at kaayusan ng Casa Tribunal.
  40. 40Ang gusaling tinutuluyan ng mga bisita at manlalakbay sa bayan.CASA TRIBUNAL
  41. 41Ang Unang Paraan ng Paghahalal sa GobernadorcilloInihahalal siya ng mga mayayamang lalaki upang manungkulan ng isang taon.
  42. 42Ang Kapalit na Paraan sa Paghalal sa GobernadorcilloAng lupon na binubuo ng labindalawang cabeza de barangay ay inihahalal nila ang isa sa kanila na maging gobernadorcillo.
  43. 43Mga Pribilehiyo ng Gobernadorcillo1. Hindi pagbabayad ng buwis
    2. Hindi paglahok sa polo y servicios o sapilitang paggawa.
  44. 44Ang pinakamataas na posisyong maaaring gampanan ng isang Pilipino.GOBERNADORCILLO
  45. 45Ang ama ni Emilio Aguinaldo na isang halimbawa sa mga nakahawak ng posisyong Gobernadorcillo.CARLOS AGUINALDO
  46. 46Bumubuo sa isang pueblo o bayan. Nagmula sa hinati-hating pueblo o bayanBARANGAY
  47. 47Pinamumunuan ng cabeza de barangay na karaniwang raha o datu noon.BARANGAY
  48. 48Ang Pangunahing Tungkulin ng Isang Cabeza de BarangayManingil ng buwis
  49. 49Mga Pribilehiyo ng Isang Cabeza de BarangayWala siyang sweldo bagama't may pribilehiyo siyang:
    1. Mapabilang sa pangkat ng principalia o aristokrasya o mga pangunahing tao sa bayan kasama ng gobernadorcillo.
    2. Hindi siya nagbabayad ng buwis at di kabilang sa polo.
  50. 50Ang naging cabeza de barangay sa gulang na 17 na labag sa batas ngunit makapangyarihan at maimpluwensya ang kanyang pamilya.EMILIO AGUINALDO
  51. 51Tawag sa pamahalaan ng pueblong malaki at maunlad na ginawang lungsod.AYUNTAMIENTO
  52. 52Pamahalaang hindi sakop ng pamahalaang panlalawigan sapagkat ito ay may sariling charter na nagtatadhana ng sariling patakaran at paraan ng pamamahala.AYUNTAMIENTO
  53. 53Ang Mga Namumuno sa Isang Ayuntamiento o Lungsod.ALCALDE
    katulong ang
    MGA KONSEHAL
  54. 54Mga Halimbawa ng Mga Pamahalaang Lungsod1. Cebu
    2. Maynila
    3. Lipa
    4. Albay
    5. Arevalo
    6. Jaro
    7. Naga
    8. Vigan

Informações

Descrição
Araling Panlipunan (Kab. III: Pagbabagong Kultural sa Pamahalaang Kolonyal) FlashCards sobre Gr5_AP_Aralin 13: Pagbabagong Pampolitika sa Panahon ng Espanyol, criado por Rose Tabije em 21-01-2020.
Criado por
Rose Tabije
Visualizações
2.137
Avaliação

Fale Conosco

Sobre o que é sua mensagem?

O que você acha do novo visual?

Você gostou?