Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna

Description

Kilalanin ang mga tauhan ng Koridong Ibong Adarna.
Jen Vinluan
Flashcards by Jen Vinluan, updated more than 1 year ago
Jen Vinluan
Created by Jen Vinluan over 3 years ago
2854
1

Resource summary

Question Answer
Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna (Isang Korido)
IBONG ADARNA Isang engkantadong ibon. Ito ay nagpapahinga sa punong may mga pilak na dahon kung sumasapit ang hatinggabi. Umaawit ito ng pitong beses at sa bawat awit nito ay nag-iiba ng anyo ang kanyang mga plumahe. At sinumang naghihintay sa kanya ay napipilitang makatulog sa pitong ulit na pag-awit na ginagawa niya. Pagkatapos ng pitong awit ay magbabawas ang Ibong Adarna bago matulog. Mahiwaga ang kanyang awit at nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sinumang makadinig nito, ngunit ang mapatakan ng kanyang dumi ay nagiging bato.
HARING FERNANDO Kinikilalang isang haring makatarungan at makatuwiran. Hinahangaan nang labis ang kanyang mahusay na pamamahala sa Berbanya dahil sa payapang namumuhay ang mga mamamayan sa maunlad na kaharian.
REYNA VALERIANA Ang butihing asawa ni Don Fernando at ina ng tatlong magigiting na prinsipe ng Berbanya na sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan. Ang kanyang kahinahunan ay lalong nagdulot ng kabutihan upang ang Hari ng Berbanya ay higit na maging makatarungan at matalino sa pamamalakad sa kaharian.
DON PEDRO Ang panganay na anak ng Hari at Reyna ng Berbanya. Isa siyang magiting na mandirigma. Likas ang angking galing at talino na taglay ng isang prinsipeng tagapagmana ng korona, subalit likas din ang kanyang angking kabuktutan at ang lihim na inggit. Naghahangad na sumunod na maging hari ng Berbanya.
DON DIEGO Ang pangalawang anak ng Hari at Reyna ng Berbanya. Isang prinsipeng sunud-sunuran sa kapatid na si Don Pedro. Tulad ng panganay na kapatid, siya ay bihasa rin sa paghawak ng armas. Bagama’t may angking talino sa pamumuno at may kakayahan ding tanghaling tagapagmana ng korona ay naging sunud-sunuran si Don Diego sa panganay na kapatid kaya’t nawalan ng sariling desisyon. Si Don Diego ay nalilihis ng landas dahil sa kabuktutan ni Don Pedro.
DON JUAN Ang pinakanatatanging prinsipe, ang bunsong anak ng hari at reyna. Siya ang prinsipeng matuwid at nagmana ng pagiging makatarungan at makatuwiran ng amang hari. Likas sa puso ang kabutihan kaya’t nagawang linlangin ng dalawang kapatid na may buktot na hangarin. Ang likas na kabutihang taglay ang nagligtas kay Don Juan sa mga kapahamakang nasusuungan.
DONYA MARIA BLANCA Ang prinsesa ng Reyno Delos Cristal. May taglay ding kapangyarihang mahika na higit pa sa kanyang ama na si Haring Salermo.
HARING SALERMO Hari sa kaharian ng Delos Cristal (Kaharian ng mga Kristal) at ama ni Donya Maria Blanca. May taglay na mahikang itim.
DONYA LEONORA Ang bunsong kapatid ni Donya Juana at iniligtas ni Don Juan mula sa serpyenteng may pitong ulo na tagapagbantay niya.
DONYA JUANA Ang kapatid ni Donya Leonora at prinsesang iniligtas ni Prinsipe Juan mula sa higanteng nagbabantay sa kanya.
ERMITANYO Ang matandang nagpayo kay Don Juan ng mga kailangan niyang gawain para mahuli ang engkantadong Ibong Adarna.
MATANDANG LEPROSO Ang matandang may mahigpit na bilin na makipagkita muna si Don Juan sa ermitanyo na naninirahan sa isang kuweba sa Bundok Tabor bago pa man niya pangahasang hulihin ang Ibong Adarna.
ARSOBISPO Siya ang humatol na dapat maikasal sina Don Juan at Donya Leonora.
LOBO Ang alaga ni Donya Leonora na siyang gumamot kay Don Juan sa Kaharian ng Armenya.
ANG HIGANTE May bihag at nagbabantay kay Donya Juana. Nakalaban ni Don Juan.
ANG SERPYENTE Malaking ahas na may pitong ulo na siyang nagbabantay kay Donya Leonora.
Show full summary Hide full summary

Similar

Pagsasanay sa Ortograpiyang Filipino
Mark Anthony Sy
Online na Pagsasanay # 1 (URI NG DIIN)
Mark Anthony Sy
Gr5_Fil_Aralin 4: Ang Problema ni Moymoy Matsing
Rose Tabije
Salitang Iisa ang Baybay Ngunit Magkaiba ng Kahulugan
Mark Anthony Sy
Mga Uri ng Taludturan
waterudoin
Gr5_Fil_Aralin 1: Tatay Felix, Huwarang Ama
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 2: Ang Magkaibang Buhay ng Magpinsang Daga
Rose Tabije
Filipino: Anapora at Katapora
Sitti Jasmine
Gr5_Fil_Aralin 2: Nasayang na Kahilingan
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 3: Nick Vujicic: Ikaw ay Isang Mahalagang Dahilan
Rose Tabije
Gr5_Fil_Aralin 4: Ang Sultang Mahilig sa Ginto
Rose Tabije