Flashcards
Gr5_AP_Aralin 10: Ang Pilipinas sa Ilalim ng Kapangyarihan ng Patronato Real
Cards in this deck (40)
- 1Ang kasunduan ng hari ng Espanya at ng Santo Papa sa Roma na palaganapin ang Kristiyanismo sa mga lupaing sakop ng Espanya.PATRONATO REAL
- 2Titulo ng hari ng Espanya sa kasunduang Patronato Real.REAL PATRON
- 3Ang itinalaga ng Santo Papa na Real Patron sa kasunduang Patronato Real.HARI NG ESPANYA
- 4Ang pinagkalooban ng kapangyarihang pumili at magtalaga ng mga obispo sa mga kolonya ng Espanya.REAL PATRON
- 5Ang Epekto ng Patronato RealNagkaroon ng pagsasanib o ugnayan ang Estado at Simbahan kaya ang mga misyonerong Katoliko o Kristiyano kung itinalaga ay nagkaroon ng kapangyarihang politikal (tungkuling mamuno).
- 6Ang itinalaga ng Santo Papa na Vice Real Patron sa kasunduang Patronato Real.Gobernador-Heneral
- 7Titulo ng Gobernador-Heneral sa kasunduang Patronato Real.VICE REAL PATRON
- 8Ang pinagkalooban ng kapangyarihang pumili at magtalaga ng mga kura-parroko sa mga bakanteng parokya sa bansa.VICE REAL PATRON
- 9Ang pinagkalooban ng tungkulin na pangunahan ang mga gawaing pangmisyonero sa lugar ng nasasakupan niya.VICE REAL PATRON
- 10Ang mga relihiyosong misyonero na inatasang magpalaganap ng paniniwalang Katolisismo at binigyang tungkulin ng pamamahalang espiritwal sa mga lalawigan.1. Agustino
2. Pransiskano
3. Dominiko
4. Heswita
5. Rekoleto - 11Ang Ginampanang Papel ng Mga Misyonero sa Pagkakatatag ng Pamamahala ng Mga Espanyol sa Pilipinas. (1 - 2)1. Ipinagtanggol nila ang mga mamamayan laban sa pagmamalabis ng ilang mga encomendero at ibang opisyal.
2. Nagtatag sila ng mga paaralan, ospital, mga tanggulan, gusali, imbakan ng tubig, mga daan at tulay. - 12Ang Ginampanang Papel ng Mga Misyonero sa Pagkakatatag ng Pamamahala ng Mga Espanyol sa Pilipinas. (3 - 4)3. Marami sa kanila ang gumawa ng plano ng mga bayan o pueblo.
4. Tumulong din sila sa kabuhayan dahil nagpasok sila ng mga bagong halaman at hayop at nagturo ng bagong paraan ng pagtatanim. - 13Ang Ginampanang Papel ng Mga Misyonero sa Pagkakatatag ng Pamamahala ng Mga Espanyol sa Pilipinas. (#5)5. Bukod sa mga opisyal ng pamahalaan, ang mga misyonero ang tanging mga Espanyol sa kanayunan.
- 14Ang Katangian ng Mga Relihiyosong Misyonero sa Pagpapalaganap ng PananampalatayaKaramihan sa kanila ay naging tapat at totoo sa kanilang hangarin kaya marami silang nahikayat na katutubo na maging Katoliko.
- 15Ang pinakamataas na pinuno ng Simbahan sa PilipinasARSOBISPO
- 16Pansamantalang humahawak ng posisyon ng gobernador-heneral kapag ito ay nabakante.ARSOBISPO
- 17Mga Obispong pansamantalang naging Gobernador-heneral1. Arsobispo Francisco dela Cuesta
2. Arsobispo Manuel Antonio Rojo - 18Ang katulong ng Arsobispo sa pagpapalakad ng Simbahan. Namumuno sa isang diocese o diyosesis.OBISPO
- 19Rehiyon o lugar na pinamumunuan o nasa pamamahala ng isang obispo. Nahahati sa mga parokya.DIOCESE
O
DIYOSESIS - 20Bumubuo ng isang diyosesis. Pinamumunuan ng kura-parroko.PAROKYA
- 21Ang Pangunahing Tungkulin ng Mga PrayleAng ituro sa mga katutubo ang relihiyong Kristiyanismo (Katolisismo).
- 22Mga Tungkulin ng Mga Prayle (1 - 3)1. Magtayo ng mga simbahan at paaralan.
2. Manguna sa pagsasagawa ng mga Sakramento ng Simbahan kasama na ang Kumpisal.
3. Nagkakaroon ng kapangyarihang maningil o mangolekta ng buwis. - 23Mga Tungkulin ng Mga Prayle (4 - 6)4. Magplano at magsaayos ng mga gawain sa paaralan.
5. Mamahala sa mga eleksyon.
6. Magsagawa ng mga gawaing pangkawanggawa upang makapagpatayo ng mga Simbahan. - 24Mga Tungkulin ng Mga Prayle (7 - 8)7. Sila ang nagdedesisyon sa mga kaso hinggil sa mga paglabag sa mga utos o batas ng Simbahan.
8. Pinarurusahan nila at ipinatatapon ang mga taong mapatutunayang nagkasala sa Simbahan. - 25Mga Nagawa ng Mga Prayle sa PilipinasMaraming katutubong Pilipino ang naniwala sa kanilang mga turo at di nagtagal ay nagpabinyag. Lumalim ang kanilang pananampalataya sa bagong relihiyon at ang pananampalataya nila ay ipinasa sa mga sumunod pang henerasyon.
- 26Ang Negatibong Epekto ng Tungkuling Pamamahala ng Ibang Mga PrayleAng ibang mga prayleng itinalaga sa posisyon at pinagkalooban ng malaking kapangyarihan ay naging abusado sa kanilang panunungkulan.
- 27Ang Hindi Nagustuhan ng Mga Pilipino sa Mga Ginawa ng Ibang Mga PrayleMagpaaresto ng mga Pilipinong hindi sumusunod sa kanila at ipinatapon ang ilan sa malalayong lugar.
- 28Tawag sa mga taong lumalaban sa pamahalaan.FILIBUSTERO
- 29Epekto ng Pang-aabuso ng Ibang Mga Prayle1. Nanumbalik ang iba sa kinagisnang relihiyon.
2. Nagresulta ito sa panrelihiyong paghihimagsik. - 30Halimbawa ng Panrelihiyong PaghihimagsikPag-aalsa nina:
1. Hermano Pule
2. Tamblot
3. Dagohoy
4. At iba pa. - 31Ang Mga Reaksyon At Mga Bunga ng Pagtuturo ng Mga Misyonero (1 - 3)1. Nagbago ang pagpapahalaga at ugali ng ating mga ninuno sunod sa turo ng mga misyonero.
2. Ang mga bata ay mas namulat sa pagsunod sa magulang.
3. Sila'y mas naging mapagmahal at mapagpatawad sa kapwa. - 32Ang Mga Reaksyon At Mga Bunga ng Pagtuturo ng Mga Misyonero (4 - 5)4. Naging parte sa kanilang buhay ang pagkakawanggawa at pagtulong sa Simbahan at nangangailangan.
5. Namulat sila sa pagsunod sa utos ng Diyos at pagkakapantay-pantay, ang pagbawal sa pag-aasawa ng marami, pang-aalipin, at paniniwala sa ibang relihiyon. - 33Ang Epekto ng Mga Gawain ng Mga Relihiyosong Misyonero sa Mindanao (#1)1. Lubos na tinutulan ng mga Muslim sa Mindanao ang mga gawain ng mga Kristiyanong misyonero kaya hindi sila nagtagumpay na maakit sila sa Kristiyanismo.
- 34Ang Epekto ng Mga Gawain ng Mga Relihiyosong Misyonero sa Mindanao (#2)2. Ito ang rason kung bakit nabigo ang mga Espanyol na masakop ang malaking bahagi ng Mindanao.
- 35Taong nagsimula ang pananakop ng Espanya sa Pilipinas.1565
- 36Taong natapos ang pananakop ng Espanya sa Pilipinas.1898
- 37Taong itinatagal ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.333 taon
- 38Taong naging pormal na kolonya ng Espanya ang Pilipinas.1571
- 39Ang Pagbabago sa buhay ng mga katutubo pagkatapos dumating ang mga Misyonerong KristiyanoNatutuhan nilang sumamba sa Diyos ng mga Kristiyano
- 40Mga taong ipinadala sa ibang lugar upang magpahayag ng kanilang pananampalataya ang paniniwalang panrelihiyon.MISYONERO
Information
- Description
- Araling Panlipunan (Kab. II: Pamunuang Kolonyal ng Espanya (Ika 16 - 17 Siglo)) Flashcards on Gr5_AP_Aralin 10: Ang Pilipinas sa Ilalim ng Kapangyarihan ng Patronato Real, created by Rose Tabije on 07/12/2019.
- Created by
- Rose Tabije
- Views
- 5,575
- Tags
- Rating