Flashcards
Gr5_AP_Aralin 16: Mga Lokal na Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan
Cards in this deck (44)
- 1Isa sa Mga Pangunahing Epekto ng Pananakop ng Mga Espanyol sa PilipinasAng paglulunsad ng mga reporma o pagbabago sa ekonomiya ng bansa.
- 2Ang Epekto ng Mga Repormang Pang-ekonomiya sa Pilipinas noong Panahon ng Mga EspanyolNaging mahirap ang pamumuhay sapagkat lahat ng mga pagbabagong ipinatupad ay pawang para sa kabutihan lamang ng mga mananakop.
- 3Isa sa Mga Repormang Pang-ekonomiyang Isinagawa ng Mga EspanyolPAGTATATAG NG MONOPOLYO NG TABAKO
- 4Mga Detalye Tungkol sa Monopolyo ng Tabako (1 - 3)1. Sapilitan ang pagtatanim ng tabako.
2. Tanging tabako lamang ang produktong ipinag-utos na itanim.
3. Tanging sa pamahalaan lamang maaaŕing ibenta ang mga ani sa presyong itinakda nito. - 5Mga Detalye Tungkol sa Monopolyo ng Tabako (4 -5)4. Ang pamahalaan ang nagtakda ng kaukulang dami at kalidad ng produktong ititinda sa kanila ng mga magsasaka.
5. Labag sa batas ang pag-iimbak ng tabako sa mga kamalig. - 6Mga Negatibong Epekto ng Monopolyo ng Tabako (1 - 2)1. Dina nabigyang-pansin ang marami sa mga halaman at iba pang pananim.
2. Ang mga Pilipinong nagnanais ng magandang klase ng tabako ay napipilitang bumili sa mga pamilihan ng pamahalaan sa mataas na presyo. - 7Mga Negatibong Epekto ng Monopolyo ng Tabako (3 - 4)3. Dahil ipinagbawal ang pagtatanim ng mais at palay, marami ang nagutom.
4. Dahil sa mga mapang-aping patakaran, natuto ang mga magsasakang magtanim sa mga maliliit na paso at natutong magpuslit ng mga matataas na kalidad ng tabako. - 8Ang Itinagal ng Monopolyo ng TabakoISANG DAANG (100) TAON
- 9Taong Tuluyang Itinigil ang Monopolyo ng Tabako sa Pilipinas1881
- 10Ang Mga Pag-aalsa sa Loob ng Estadong Kolonyal Bunga ng Mga Reporma1. Pag aalsa ni Sumuroy
2. Paghihimagsik ni Dagohoy
3. Rebelyon nina Diego at Gabriela Silang - 11Ang anak ng isang babaylan o pinuno ng panrelihiyon ng mga sinaunang Pilipino na nanguna sa isang pag-aalsa.SUMUROY
- 12Ang Sanhi ng Pag-aalsa ni Sumuroy1. Ninais niyang ibalik ang dating katutubong relihiyon.
2. Laban siya sa sapilitang paggawa at pagpapadala sa kanila sa Cavite. - 13Ang Mga Lugar na Pinagmulan ng Pag-aalsa ni Sumuroy1. SAMAR (sentro)
Mga Nakipag-alsa
2. Sorsogon
3. Masbate
4. Cebu
5. Camiguin - 14Ang Itinagal ng Pag-aalsa ni SumuroyNagtagumpay si Sumuroy na magtatag ng isang malayang bayan sa kabundukan sa loob ng ISANG (1) TAON.
- 15Ang kilala bilang pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas.PAGHIHIMAGSIK NI DAGOHOY
- 16Ang namuno sa pinakamatagal na pag-aalsa laban sa mga Espanyol.FRANCISCO DAGOHOY
- 17Ang Simula at Pagtatapos ng Paghihimagsik ni Dagohoy1744 - 1829
- 18Ang Itinagal ng Paghihimagsik ni Dagohoy85 TAON
- 19Ang dating cabeza de barangay na namuno sa isang pag-aalsa.FRANCISCO DAGOHOY
- 20Ang Sanhi ng Paghihimagsik ni DagohoyAng pagtutol ng Simbahan na bigyan ng naaayong ritwal at libing ang kapatid ni Dagohoy.
- 21Ang Gobernador-Heneral na matagumpay na nasupil ang Paghihimagsik ni DagohoyGOBERNADOR-HENERAL
MARIANO RICAFORT - 22Ang mag-asawang namuno sa pag-aalsa sa Lalawigan ng Ilocos.DIEGO AT GABRIELA SILANG
- 23Mga Layunin ng Rebelyon nina Diego at Gabriela Silang1. Alisin ang Indulto de Comercio
2. Mapatalsik sa pwesto ang mga abusadong opisyal
3. Mapababa ang buwis
4. Palayasin sa lalawigan ang mga Espanyol at mestizo - 24Ang Simula ng Rebelyon nina Diego at Gabriela SilangNakipagsabwatan si Diego sa mga mananakop na Ingles na nangako sa kanya na magpapadala ng mga armas para sa isasagawang rebelyon.
- 25Ang pag-aalsang nagsimula sa Silang, Cavite na kumalat sa mga karatig na bayan.ANG KILUSANG AGRARYO
- 26Ang pag-aalsang ang Katagalugan ang naging sentro sapagkat dito matatagpuan ang mga hacienda ng mga prayle.ANG KILUSANG AGRARYO
- 27Taong nagsimula ang pag-aalsa ng Kilusang AgraryoAbril 1745
- 28Ang Sanhi ng Pag-aalsang Kilusang Agraryo ng 1745Hindi makatarungang pangangamkam ng mga prayle o paring misyonero sa lupa ng mga katutubo.
- 29Mga Pinuno ng Kilusang Agraryo ng 17451. Jose dela Vega
2. Francisco Santos de Medina
3. Ignacio Marcelo
4. Julio Lopez de Montoya
5. Andres Pulido
6. Francisco Gonzalez - 30Ang namuno sa isang pag-aalsa na ipinanganak sa Barrio Pandac, Lucban, Lungsod ng Tayabas (ngayon Quezon).APOLINARIO DE LA CRUZ
- 31Ang isa pang tawag kay Apolinario dela Cruz.HERMANO PULE
- 32Ang pag-aalsang may kinalaman sa pakikibaka para sa kalayaan sa relihiyon.PAG-AALSA NG KAPATIRAN NG SAN JOSE
- 33Kapisanang itinatag ni Hermano PuleCOFRADIA DE SAN JOSE
- 34Ang Mga Sanhi ng pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose1. Ang pagturing sa kapisanan na labag sa batas
2. Ang panggigipit ng pamahalaan sa pinuno nitong si Hermano Pule - 35Araw na binitay sa pamamagitan ng firing squad si Hermano Pule.NOBYEMBRE 4, 1841
- 36Ang Okupasyon ng Mga Ingles sa Maynila1762 - 1764
- 37Ang Sanhi ng Okupasyon ng Mga Ingles sa MaynilaNadamay ang Espanya sa digmaang "Pitong Taong Digmaan" ng Britanya laban sa Pransiya ng kumampi ito sa Pransya.
- 38Ang Briton namuno sa paglusob sa Look ng MaynilaSIR WILLIAM DRAPER
- 39Ang nagpahayag ng pormal na pagsuko ng Espanya sa mga InglesARSOBISPO ROJO
- 40Petsa ng pagsuko ni Arsobispo RojoOKTUBRE 1762
- 41Araw na ibinalik ng mga Ingles ang pamamahala sa bansa sa mga EspanyolPEBRERO 10, 1763
- 42Ang Sanhi ng Pagbabalik ng Pamamahala sa Mga EspanyolItinakda ng kasunduang pangkapayapaan sa Paris noong Pebrero 10, 1763 ang pagwawakas ng "Pitong Taong Digmaan" at pagbabalik ng mga nasakop ng mga Ingles sa mga dating namamahala.
- 43Ang Bunga ng Okupasyon ng Mga Ingles sa MaynilaNakita ng maraming Pilipino ang kahinaan ng mga Espanyol.
- 44Mga sundalong Indian na nakakasama ng mga mananakop na Ingles na tumiwalag at namalagi sa Cainta, Rizal.SEPOY
Information
- Description
- Araling Panlipunan (Kab. IV: Mga Pagbabago sa Kolonya (Ika 18 Siglo - 1815)) Flashcards on Gr5_AP_Aralin 16: Mga Lokal na Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan, created by Rose Tabije on 04/04/2020.
- Created by
- Rose Tabije
- Views
- 2,068
- Tags
- Rating